"Okay class tandaan nyo yung pinapagawa ko sainyo. Inform your absent classmates about the assignment. Dissmiss" sabi nung last lecturer namin.
Niligpit ko na yung gamit ko. Bigla namang nagvibrate yung phone ko.
From: Alien
Umuwi ka na. Bilisan mo.
Napakunot naman yung noo ko. Galing naman ng timing nito. Tsaka anong meron? Ano nanamang kailangan nya?
"Huy Kai tara sa Food park. Bonding naman tayo bakla" pagyaya ni Patch.
"Hala Patch hindi ako pwede." malungkot kong sabi. Kainis naman kasi 'tong si Vann eh.
"Ay bakit?"
Pinakita ko sakanya yung text ni Alien. At ang loka imbis na mainis din, ngumiti pa at sinundot sundot pa yung tagiliran ko habang kinikilig. Tsk. Nababaliw na 'to.
"Ay sige next time nalang. Pinapauwi ka na pala ng hubby mo" sabi nito at ngumiti pa ng parang kinikilig.
Teka ano daw? Hubby? Wtf?!
"Anong hubby? Ewan ko sayo. Una na ako. Bye Patch" sabi ko at tumakbo na palabas ng room.
Mabuti nalang at nakahanap na agad ako ng taxi paglabas ko ng room. Di naman halatang nagmamadali ako ano. Nadala na kasi ako sa mga gantong message ni Vann sakin kapag sya yung nauunang umuwi samin or paag di sya napasok tapos alam nya na uwian na, tapos itetext nya na ako na umuwi na. PERO! Pero not in a sweet or romantic way. Never mangyayari yun. Pagtinetext ako ni Vann ng ganyan ibig sabihin may papagawa sakin yan or may importante kaming pupuntahan like our parents. Ganon.
Pagkababa ko sa village gate ay naglakad na ako papasok. Di ako pwedeng magshuttle kasi alam nila yung bahay namin ni Vann since sikat nga yung mokong. So wala akong ibang choice kundi lakarin. Dulo pa naman yung bahay namin nakakainis.
As usual pagod at masakit nanaman yung paa ko. Binuksan ko na yung gate at pumasok sa loob. Nakita ko pa yung kotse ni Vann kaya positive na nandito nga si Alien. Pagbukas ko ng pinto ay pumasok agad ako. At ayon si Vann sitting like a boss sa sofa namin.
"Mabuti naman nakauwi ka agad" sabi nito
"Ano bang meron?" tanong ko at sumalampak ng upo sa sofa. Pagod ako ih.
"May ipapabili ako sayo" sabi nya ng hindi ako tinitignan.
"Ano?!"
"What? Bingi ka ba?" tinignan nya ako na parang ang tanga tanga ko. Hampasin kita ng unan dyan eh.
"Hindi ako bingi pero bakit ako yung inuutusan mo? Nandyan naman si manang eh" tumaas na yung boses ko. Kasi naman besh napagod ako maglakad ng pagkalayo layo.
"Umalis si Manang, it's her off in case you forgot" sabi nya in a matter of fact tone.
"Oh eh bakit hindi ikaw mismo ang bumili?! Buong araw kang hindi pumasok sa school, nandito ka lang tapos hindi mo manlang nabili yang kung ano man yang pinapabili mo sakin?!" inis kong tanong. Again, eto nanaman kami sa sagutan. Wala nga lang si manang para umawat.
"Bakit ako pa ang bibili kung pwede namang ikaw" mapang asar nyang sabi.
"Ano ako, utusan mo?!" galit kong tanong at napatayo pa. Talagang iniinis ako nitong alien na 'to.
"So you have the guts to shout at me, huh?" matapang at cold nyang sabi.
Tila ba nawala yung tapang ko at mistulan na agad akong natameme nangmakita kong nainis si Vann sa ginawa ko. Pero ako din naman naiinis sa ginagawa nya. Napaka unfair naman kung ako lang matatakot.

BINABASA MO ANG
Married To The Idol
Hayran KurguAno sa tingin nyo ang feeling na ikasal sa idol ng lahat? Siguro masaya, maswerte, nakakainggit, feeling mo ikaw na ang pinaka swerte na tao sa mundo. Pwes, NAGKAKAMALI KAYO! Sino ba naman ang taong gustong ikasal sa napakasungit na nilalang, hin...