*CHEER UP*
.
.
.
.
.
.
.
.
What the effff?!!! Agad kong pinatay yung alarm ko. Ano ba yan eh! Puyat kaya ako. Tinapos ko pa kasi yung K Drama na pinapanuod ko. Malay ko namang may pasok ngayon. Tsss... Kung pwede lang pumasok mamayang second class eh. Kung hindi lang dahil dyan sa quiz na yan! Hay nako!Tumakbo na akong banyo para maligo at mag-ayos.
Pagkatapos kong maligo at magsuot ng matinong damit bumaba na ako. Hala! Malapit na akong malate!
"Hi manang" bati ko kay manang Ester ng makapunta ako sa dining area.
"Oh hija, asan ang asawa mo? Gisingin mo na" sabi ni manang.
Aba. Balak atang magpaka sleeping beauty ni alien. Pwes, hindi bagay sakanya kasi sya si Beast. Tsaka bakit ko ba sya kailangan gisingin eh may alarm clock nama sya. Hindi porket asawa nya ako gagawin nya akong alarm clock. Tsaka hello? Ano naman kung classmates kami? eh never pa nga nya akong sinabay pag pumapasok sa Xavier Academy eh.
Naiintindihan ko naman eh. Secret marriage lang yung nangyari saamin ni Alien. Ewan ko ba sa parents namin kung bakit may ganyan pa. Sa pag kakaalam ko para daw yan sa merging ng company namin at company nila Alien. So yun na nga, nagulat nalang ako ng malaman kong ikakasal na ako. Masakit kasi ikakasal na ako. Wala pa sa isip kong magpakasal. Bata pa lang ako at marami pa akong pangarap. At ngayon, shutanginers! Kasal na ako! Kasal na ako sa taong sobrang sungit, akala mo kung sinong hari, at higit sa lahat idol ng lahat. Walang iba kundi si Vann Gabriel Kim.
Umupo na lang ako sa lamesa. Kakain nalang ako kesa gisingin pa yang Sungit na yan. Kumuha ako ng kanin, bacon, and eggs.
Nakarinig ako ng yabag ng paa na pababa galing sa hagdan. Everyone, let's welcome my husband.
"Why are you here?" bungad nya sakin ng makarating sya dito sa dining area. Yes, we live in the same house. Pero! Magkaiba ng kwarto. As if naman na gusto kong tumabi sakanya.
"At bakit? Dito kaya ako nakatira" Ang kapal naman ng mukha nya kung palalayasin nya ako. Nagbayad din yung parents ko dito sa bahay noh. Aba!
"I know. What I mean is bakit hindi ka pa napasok. Tss... Babo" sabi nya at sumubo ng pagkain.
Nakakaasar na talaga 'tong si Vann. Sarap subuan ng napakaraming kanin at ulam yung bibig hanggang sa mapuno. Wala naman kasing magandang sinasabi. Pero pag sa mga fans nya napaka bait akala mo kung sinong anghel.
"Ewan ko sayo. Kumain ka nalang dyan!" sigaw ko. Niligpit ko na yung pinagkainan ko.
Lumabas na ako ng bahay para maghanap ng taxi. Kagaya nga ng sabi ko hindi kami sabay pumasok ng bahay ni Vann. Malapit lang din naman 'tong bahay namin sa Xavier eh. Kaya keri lang. Pagkalabas ko ng village ay pumara agad ako ng taxi.
Minsan iniisip ko ano kaya yung feeling ng may asawa. Alam kong may asawa na ako pero kasi hindi naman ako masaya. Wala namang love na namamagitan saamin ni Vann. Siguro war meron. Iniisip ko kung anong feeling ng pagkakaroon ng mapagmahal na asawa. Alam nyo yun? Every girl's dream. Haaayyy. Kung bakit kasi ganun yung ugali ni Vann. Pogi-----Oo may itsura nga kaso ugali...... Ay nako! Natatawa na nga lang ako kapag may nakikita akong fan na gustong maging asawa si Vann. Aba! Kung pwede lang palit na kami ng pwesto eh. Tignan natin kung gusto mo pa bang maging asawa ang isang Vann Gabriel Kim.
Sa sobrang pag-iisip ko hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa Xavier. Bumaba na ako at pumasok sa loob. Pero bago pa man ako makapasok eh naabutan ko na agad ang kumpulan ng mga tao sa may hallway ng entrance. Ano nanaman ba 'to? Sinusubukan kong sumiksik pa pasok kaso hindi ako makasingit! Dafuq! Malapit na akong malate. Kung hindi lang ito yung daan papuntang room eh. Hindi ba nila alam na nakakaabala sila? Hindi ba nila alam na malela--------
BINABASA MO ANG
Married To The Idol
Fiksi PenggemarAno sa tingin nyo ang feeling na ikasal sa idol ng lahat? Siguro masaya, maswerte, nakakainggit, feeling mo ikaw na ang pinaka swerte na tao sa mundo. Pwes, NAGKAKAMALI KAYO! Sino ba naman ang taong gustong ikasal sa napakasungit na nilalang, hin...