Pahikab hikab na ako at halos papikit pikit na ko kakahintay dito kay Vann. Anong oras na ba at hindi oa nauwi yon? Bakit ba kasi kailangan hintayin ko pa pag uwi nya? Palagi nalang ganito. Nakakaantok kaya hmp.
Nakanuod na din ako ng movie na pinagbidahan ni Klyde. Sinabi nya 'to sakin kanina eh. Ang galing nya umacting. Ang ganda din ng movie. Kaya siguro sikat na sikat 'tong si Klyde.
*Beep!*Beep!*Beep!*Beep!*
Napabalikwas ako ng upo ng marinig ko yung busina ng kotse sa labas. Nandito na ang alien.
Tamad kong binuksan ang pinto at gate ng bahay. At ganun din ang pagsara. Nandito na si Vann, pwede na akong makatulog.
Pagpasok ko ay nakaupo sya sa sala. Medyo nagulat pa ako kasi gray nanaman yung buhok nya. Nakapikit sya. Siguro pagod kakasayaw at kanta. Araw ng comeback nila ngayon eh.
"Yah, give me water" sabi nya ng mapadaan ako sa sala.
Taka ko syang tinignan. "Ano?" sabi ko.
"Water. Tss" sabi nya ng nakapikit pa din.
Napairap nalang ako at pumuntang kusina para kumuha ng tubig nya. Agad ko naman 'tong binigay sakanya pag dating ko sa sala.
Hindi ko alam kung bakit nakiupo pa ako dito sa sala. Tinitignan ko lang ang ginagawa ni Vann. Ang weird ko naman.
"How's school?" tanong nya ng hindi ako tinitignan.
Napakunot pa yung noo ko sa tinanong nya. After two years na pag sasama namin, ngayon ko lang ata narinig sakanya yan. Anong maligno ang sumapi dito sa asawa ko?
Pero bakit ako kinabahan? Maayos naman ang school kanina. Payapa dahil walang BTS at wala masyadong tao. Pero bakit ako kinabahan bigla?
"Ugh.... Okay naman" sagot ko.
Nagkibit balikat sya. "And?" tanong nya pa.
Anong and pinagsasabi nito? "Huh?" tanong ko.
"Ano pang ginawa mo. Tss." sabi nya
Napakunot ulit yung noo ko. Since kelan pa naging worried sakin 'tong alien na 'to?
"Kelan ka pa nagkapake sa mga ginawa ko sa school?" takang tanong ko.
Tinignan nya ako. "Don't answer me with questions, babo" sabi nya.
Napairap nalang ako. "Wala akong ginawa. Nakinig lang ako sa mga lessons" sabi ko. "Tsaka merong by partner na research paper sa history" dagdag ko pa.
Tinignan nya ako at tinaasan ng kilay. "Who's your partner?" tanong nya.
Napalunok ako. Teka ba't bigla akong kinabahan sa tanong nya. Ano bang nakakakaba don? Bakit nagiging kabado na ako sa mga tanong ni Vann? Ang weird.
"S-Si ano... Si Klyde" sagot ko.
"What the fvck?" hindi makapaniwalang sabi ni Vann.
Gulat ko naman syang tinignan. "Bakit?" tanong ko.
"Bakit ba palagi ka nalang napapalapit don, ha?!" may halong inis nyang sabi.
"Ewan ko, hindi ko alam" sagot ko.
Totoo naman eh. Kahit yung sa groccery store hindi ko alam na nandun si Klyde. Ngayon naman hindi ko din ineexpect na si Klyde yung kapartner ko. Sadyang lapitin nga ata talaga ako ng artista.
"Fvck. Change your partner" utos nya.
Tinaasan ko naman sya ng kilay. "Huh? Tingin mo ba ganun kadali yon? Listed na mga partners. Hindi ko lang alam kung sino partner mo" sabi ko.

BINABASA MO ANG
Married To The Idol
FanficAno sa tingin nyo ang feeling na ikasal sa idol ng lahat? Siguro masaya, maswerte, nakakainggit, feeling mo ikaw na ang pinaka swerte na tao sa mundo. Pwes, NAGKAKAMALI KAYO! Sino ba naman ang taong gustong ikasal sa napakasungit na nilalang, hin...