Jeros POV
Wow! Kung sinuswerte ka nga naman! Nagka POV pa. Akala ko etchapwera lang ako dito. Dapat dito magpacelebrate! Hahaha.
Pero hindi ito ang oras ng pagcecelebrate.
"Hoy V! Kumalma ka nga!" pagsasaway ni RM kay V.
Kaya nalang nyan! Nagkaproblema kasi ngayon sa shooting. Medyo nagkasagutan si Direk tsaka si V. Ang sabi kasi ni Direk, wala daw emotion na pinapakita si V sa pag aacting nya. Hanggang sa paulit-ulit ng sinabi yun kay V. Kaya ayun! Nagalit. Sinigawan tuloy si Direk kaya in the end nagkasagutan yung dalawa. Buti nalang talaga at naawat. Medyo may point naman kasi si Direk. (Oy! Wag nyong sasabihin kay V. High blood pa naman yun. Baka madamay pa ako. Isipin nun kinakampihan ko si Direk) kasi nung pumasok si V, tag sungit na. Pati nga P.A napagalitan nya pa kanina eh. Hindi naman namin alam kung bakit nagkakaganito si V. Oo may pagkasungit yan gaya ni Sceven. Pero iba ngayon eh. Haay. Bakit ba nagkaganito si V?
"Oh asan na si V?" tanong ko. Nagkukwento lang ako dito. Tapos bigla nalang nawala si V. Hayyy. Alien talaga.
"Umalis. Kasama ni JK. Papahangin muna" sabi ni Jin.
"Ano ba kasing nangyari dun?!" frustrated na sabi ni RM.
Naiintindihan ko rin kung bakit nafufrustrate si RM ngayon. Leader kasi yan. Napagalitan din ni Manager kahit wala naman syang kasalanan. Buti pa ako, masayahin, rapper lang at pogi pa! Kahit na inaasar nila akong kabayo....
"Tsss... I think its because of his wife" napalingon ako kay Sceven
"Si Kai? Ba't mo naman nasabi?" tanong ko. Nagkibit balikat lang sya.
"Try mong tanungin Jehorse si Kaillene. Close naman kayo, diba?" natatawang sabi ni Justin.
Sinamaan ko sya ng tingin. "Anong Jehorse?! Jeros hindi Jehorse. Itong pandak na 'to!" sabi ko. Lalapitan pa sana ako ni Justin pero pinigilan na sya ni RM.
"Aish! Sasali pa kayong dalawa. Tawagan mo nalang Jeros si Kai. Baka may alam sya." sabi ni RM. Tumango nalang ako at lumayo ng konti. Dinial ko na yung number ni Kai.
Calling Kaillene Choi-Kim....
(Sorry your load balance is not enough to make a call try----)
Aish! Ano bayan! Akala ko naman si Kai na yung sumagot. Idol ako pero tag hirap naman sa load. Naku po!
"E-Ehh... Guys, w-wala na akong load" nahihiya kong sabi.
Napaface palm naman si RM. Si Jin at Justin ay natatawa. Si Sceven naman ay no reaction.
"Ano ba naman yan! Sino bang may load sainyo?! Yun nalang ang tumawag" galit na sabi ni RM.
"Ako nalang nga!" pagpiprisinta ni Justin. Tumango nalang kami. Bahagya syang lumayo para matawagan si Kai.
Umupo muna ako sa monobloc chair. Ayos narin siguro 'tong kaguluhan. Nagkaroon pa kami ng instant break time. Hahahaha. Nakita ko na sina V at Jk na papunta sa direksyon namin. Hindi ko alam pero bigla nalang akong kinabahan ng makita ko si Vann. Ano ba 'to? Natatakot na ba ako kay V? Napailing nalang ako at napatingin kay Justin. Mukhang tapos na silang mag-usap ni Kai.
"Oh, anong sabi ni Kai?" tanong ni RM ng makalapit na saamin si Justin.
"Hindi nya daw alam" sagot nito.
"Why do you call my wife?" agad kaming napalingon kay V. Hindi ko alam pero may kung ano sa pagkakasabi nya. Mahinahon lang per may diin ag pagkakasabi.
"Tinanong lang namin-----"
"I'm not talking to you Riven"
Woah! Nasapol si RM dun. Hayup! Akala ko malamig na ang ulo ni V, yun pala hindi pa. Kaya siguro ako kinabahan bigla kasi may mangyayaring ganito. Buti na lang pala hindi ako yung tumawag kay Kai. Naku! Lagot ka Justin. Pero teka! Anong ikinagagalit ni V? I mean, hindi naman sya ganito dati eh. Halos wala na ngang pakealam 'to kay Kaillene eh. 'Di kaya....
BINABASA MO ANG
Married To The Idol
FanfictionAno sa tingin nyo ang feeling na ikasal sa idol ng lahat? Siguro masaya, maswerte, nakakainggit, feeling mo ikaw na ang pinaka swerte na tao sa mundo. Pwes, NAGKAKAMALI KAYO! Sino ba naman ang taong gustong ikasal sa napakasungit na nilalang, hin...