*Ring!*ring!*ring!*
Aish ano ba 'to?!
*Ring!*ring!*ring!*
Panira naman ng tulog 'to oh! Inis kong kinuha yung cellphone ko at sinagot yung tawag.
(Buti naman at sinagot mo na)
Napairap nalang ako. Hindi ko na kailangan tignan ang caller name dahil alam ko na kung sino 'to. Umagang umaga nambubulabog. Hmp.
*Anong meron Patch? Inaantok pa ko*
Sabi ko ng pahikab hikab pa. Anong oras na ba?(Gusto ko lang sabihin na hindi ako papasok ngayon) sabi nya.
Napamulat naman ako at tumaas ang kilay ko. *at bakit naman Patricia Nicole?* tanong ko. Tinatamad nanaman ba 'to?
(Comeback ngayon ng BTS. Waaaaaaah!!!!) sabi nya at sumigaw sigaw pa.
Fvck. Nilayo ko yung cellphone ko sa tenga ko. Mabibingi ata ako.
*Stop shouting, ugh! Ano naman connect non sa hindi mo pagpasok, ha?*
(Manuod ako ng comeback nila. I'm going to the music show. You know, gusto kong mapanuod ng live si Justin) at tumawa pa na parang kinikilig si Patch.
Napailing nalanga ko. Malala na sya. Hays. *Fine. Ingat ka* sabi ko at pinatay yung tawag.
9 o'clock na. At may pasok pa ako ng 10 am. Tumayo na ako at niligpit yung kama ko. Bumababa na ako para kumain.
"Goodmorning manang" bati ko kay manang ng makarating ako sa kusina.
"Goodmorming, hija. Maagang umalis ang asawa mo" sabi sakin ni manang at nilapag yung pagkain ko.
"Opo. Comeback na po kasi nila" sagot ko matapos uminom ng gatas.
Matapos ko kumain ay umakyat na ko sa kwarto ko. Naligo at nagbihis na ako ng uniform ko. Ayoko ng malate sa klase.
-------
Para siguro akong tanga dito na tinititigan yung gate 1 ng school namin. For the first time in history walang kumpulan ng tao dito. Walang fan at media na nag aabang. Walang mga babaeng halos iluwa na ang lalamunan kakatili. Wala. Tanging guard lang yung nandito.
Nakakapanibago.
Sana palaging ganto. Sana palaging busy ang BTS tsaka si Klyde. Parang ang payapa ng Xavier pag wala sila eh. Ganito din ang eksena sa loob ng campus. Bakit parang ang tahimik? Ano yon lahat sila nanuod sa music show para lang sa BTS? Ang alam ko comeback hindi concert.
Pati sa loob ng room namin ay halos wala ang kalahati ng babae. Siguro ang mga naiwan nalang dito eh yung mga nasa honor, grade consious at ayaw umabsent okiya ay fan ni Klyde. At ako? Ako yung walang pake. Pero mas kapansin pansin yung presensya ni Klyde. Kahit nandun sya sa gilid ay agaw pansin pa din. Ganyan ba talaga pag artista? Ang pogi eh.
"Akala ko hindi ka din papasok" bungad saakin ni ni Klyde pag dating ko sa upuan namin.
Medyo nagulat pa ako kasi kinausap nya ako. Di naman kasi kami nag uusap----Well nag usap kami nung nakaraan sa grocery store. Pero biglaan yon. Tsaka ano----wag na nga natin pag usapnan.
"Huh? Bakit naman?" takang tanong ko at umupo sa upuan.
"Comeback ng BTS ngayon, tignan mo lahat ng absent ngayon panigurado nanuod." sabi nya at natatawa pa.
Informed pala sya na comeback ngayon. Tsaka pansin nya din pala. Sabagay totoo naman kasi talaga.
"Hindi ako fan eh" sagot ko.
BINABASA MO ANG
Married To The Idol
FanfictionAno sa tingin nyo ang feeling na ikasal sa idol ng lahat? Siguro masaya, maswerte, nakakainggit, feeling mo ikaw na ang pinaka swerte na tao sa mundo. Pwes, NAGKAKAMALI KAYO! Sino ba naman ang taong gustong ikasal sa napakasungit na nilalang, hin...