"Ano ba Vann?! Papasok nga ako sabi eh!"
Punyemas naman! Kanina pa ako paulit-ulit kay Vann napapasok ako ngayon. Late na nga kami sa first subject eh. Kaso ayaw naman nya akong papasukin kasi baka daw sumpungin ako bigla ng asthma. Bigla nalang kasi ako ulit sinumpong kaninang madaling araw. Kaya eto ayaw nya muna akong papasukin. Kaya ko na naman eh. Kung may maramdaman man akong iba dala ko naman yung inhaler ko. At sinabi ko na yan kay Vann. Pero letchugas talaga! Ayaw pumayag.
"I said no! That's final. Magpahinga ka na. Kung ayaw mong isumbong kita kay Mommy" pananakot ni Vann.
"Eehh! Alien naman eh. Kahit half day lang?" pagmamakaawa ko. Please say yes.
"No." sabi nya at lumabas na ng bahay.
Talagabg nawalan na ako ng pag-asa sa sinagot nya. Ugh! Minsan na nga lang akong magpumilit pumasok, hindi pa natupad. Argh! Ano na ngayong gagawin ko dito sa bahay? Hindi naman ako pwedeng magmall kasi wala akong kotse. Pwede namang magcomute pero hindi ko feel mag mall today. Aish! Magbababad nanaman ako sa t.v at wifi. Asar!
Alas diyes na ng umaga ng mapag-isipan kong pumasok. Makakaabot pa naman ako sa third subject namin. Ayaw pa nga akong payagan ni manang eh. Na kesyo daw baka atakihin nanaman ako ng hika. Pero sa huli pumayag naman. Makulit ako eh.
Paglalabas na pagkalabas ko ng village ay pumara agad ako ng taxi. Ano kayang reaksyon ni Vann kapag nakita nya ako sa school? For sure papagalitan nya ako. Hindi man sa school pero tatalakan ako nyan dito sa bahay. Kailangan ko ng maghanda para sa pangyayaring yun.
Nangmakarating ako sa Academy ay nagmadali na akong pumuntang room. Hindi ako tumatakbo kasi nadala na ako.
Nagdadalawang-isip pa ako kung kakatok ba ako at papasok sa classroom namin. Paano kung may teacher kami? Anong ieexcuse ko? Hay nako!
Kumatok ako ng tatlong beses bago pa bumukas yung pinto. Kaya pumasok na ako.
"Oh, Ms. Choi? Why are you late?" pambungad saakin ni ma'am.
Isa 'to sa ayaw ko eh. Yung lahat ng attention na saakin. Maging abg BTS nakatingin saakin. Pero.... Si Vann. Jusme! May balak ata akong patayin sa sobrang sama ng tingin nya saakin. Patay ako nento! Ngayon palang alam ko ng galit na sakin si Vann. Huhuhu. Mamimeet ko nanaman si Goku.
"Ms. Choi?" ulit ni ma'am.
"Ugh.... Kasi po... Kasi nagkaroon po ako ng Asthma kahapon tsaka kaninang umaga kaya po ako nalate." pag eexplain ko.
Tumango naman si ma'am. "Are you sure you're okay?"
"Yes ma'am" sabi ko. Tumango nalang sya kaya naglakad na ako papunta sa upuan ko.
Habang naglalakad ako ay ramdam ko parin ang titig ng mga kaklase ko. Pero mas natatakot ako sa titig ni Vann. Naku! Dukitin ko mata mo dyan eh.
Pagkaupo ko sa upuan ko ay tinignan agad ako ni Patch. Yung tingin nyang, Lets-talk-later-look. Omg. Ibig sabihin naalala nya pa din yung sinabi ni Vann kahapon. Jusme, paniguradong uulanin ako nito ng tanong. Ganyan pa naman yan. Lalo na't matagal ko 'tong tinago sakanya kaya madami talaga yang tanong.
"Hey, are you okay?"
Bigla akong napalingon sa left side ko. Hala nandito pala si Klyde. Bakit di ko sya napansin?
"Ay hi Klyde" gulat kong sabi. "Okay na ako." Sabi ko at ngumiti.
Buti pa 'tong si Klyde concern sakin. Eh yung Alien kong asawa---Hmp! Nevermind. Pinagalitan pa ako kanina.
Pero inafairness din naman kay Vann, naging caring na sya sakin ng very very light. Simula nung bigla akong inatake ng asthma hindi na sya umalis ng kwarto ko. Dahilan nya eh, baka daw atakihin ako ulit. Mas mabuti na daw na may kasama ako. Sus! Pinapalayas ko nga ng kwarto ko yan kagabi eh. Ako nga hindi nakakapasok ng kwarto nya, tapos sya papasok ng kwarto ko tapos makikitulog pa. Tsk. Tsk.
BINABASA MO ANG
Married To The Idol
Fiksi PenggemarAno sa tingin nyo ang feeling na ikasal sa idol ng lahat? Siguro masaya, maswerte, nakakainggit, feeling mo ikaw na ang pinaka swerte na tao sa mundo. Pwes, NAGKAKAMALI KAYO! Sino ba naman ang taong gustong ikasal sa napakasungit na nilalang, hin...