"Good Morning manang" bati ko kay manang ng makababa ako ng hagdan.
Sabado ngayon kaya okay lang kahit tanghaliin ako ng gising. As usual pinagpuyatan ko nanaman yung bagong K drama na pinapanuod ko.
"Oh hija, kumain ka na."
Umupo ako sa upuan at nagsimula ng lumamon-----este kumain.
"Nga pala manang. S-Si...... S-Si Vann po?"
Oh! Concern lang ako. Asawa ko parin yun kahit papaano.
Tinignan ako ni manang ng makahulugan. Haluh? Si manang malisyosa.
"Tulog pa ata. Madaling araw ng nakauwi eh"
Napatango nalang ako. Oo nga pala. Araw na ng shooting nila. Haayyy. Ang hirap talagang maging idol.
"Dalhan mo nalang ng pagkain yung asawa mo pagkatapos mong kumain"
Ehhhh? Sa pagkakaalam ko tulog lang yung alien na yun hindi dis abled. Grabe naman.
"Huh? Kayo nalang po manang"
Given na tinatamad ako. Tsaka..... Paano kapag pinagalitan ako nun? Ayaw pa naman nun na ginising sya. Eh di kung ginawa ko yun mamimeet ko si Goku?! Ayoko nga. Grabehan pa naman yan kung magalit.
"Sige na hija. Marami pa akong gagawin eh" dahilan ni manang.
Aish! Ano ba 'tong si manang. Konti nalang iisipin kong paraparaan lang si manang. Paraparaan para mapuntahan ko lang si Vann. Haayyy. Di yan uubra.
"E-eehhh manang!" angal ko ng bigla nalang umalis si manang.
Ugh! Saan ba pupunta yun si manang at dire-diretso hanggang labas? Pinagtitripan nya ba ako? Naku naman si manang. Naisipan pang mangtrip kung kailan may idad na.
Napailing nalang ako at niligpit yung pinagkainan ko.
Ngayon. Aasikasuhin ko yung pagkain ng aking alien na asawa. Yes! Lakas maka housewife.
Kumuha ako ng tray na paglalagyan ng mga pagkain. Kumuha ako ng plato tapos nilagyan ko ng kanin at ulam. Kutsara't tinidor at baso na may juice. At tapos na! Dahan-dahan akong umakyat ng hagdan para hindi matapon yung dala kong tray. Sayang din yung effort ko kapag ganun. Nilapag ko muna yung tray at kumatok.
*knock!*knock!*
.................
Eh? No response? Sabi naman sainyo tulog mantika 'tong alien na 'to eh. Baka nasiyahan sa outerspace at ayaw na atang bumalik dito. Aba, masaya kung ganun.
Huminga ako ng malalim at kumatok ulit.
*Knock!*Knock!*
...................
Muli, No response nanaman. Grabe. Ano bang klaseng pagtulog 'tong ginagawa ni Vann?
"Uhmm..... A-Alien. G-Gising na. Dala ko na yung pagkain mo!!"
Bakit ako nauutal? Hmp! Palibhasa ngayon ko nalang 'to ulit nagawa. Baka naninibago pa ako. Pero muli, no response nanaman.
Mas nilakasan ko pa yung katok ko. Kung hindi ka pa magising bito ewan ko nalang.
*KNOCK!*KNOCK!*KNOCK!*KNO----------
"What the fvck?!!"
OMG! My eyes! Waaahhh!!! Kailan pa naging bold star yung asawa ko? Walangya! Kahit na naka boxer pa sya. Hindi naman siguro sya ganyang kaproud sa six pack abs nya? Hello? Innocent person here.
BINABASA MO ANG
Married To The Idol
FanfictionAno sa tingin nyo ang feeling na ikasal sa idol ng lahat? Siguro masaya, maswerte, nakakainggit, feeling mo ikaw na ang pinaka swerte na tao sa mundo. Pwes, NAGKAKAMALI KAYO! Sino ba naman ang taong gustong ikasal sa napakasungit na nilalang, hin...