Kinabukasan ay maaga akong nagising para sumama kay manang Ester magsimba. At eto ako ngayon nakaupo na sa sofa dahil tapos na ang simba. Kumain na din kami ng agahan dun sa favorite kong lugawan sa tabi ng simbahan.
"San ka galing?"
At halos mapatalon naman ako sa kinauupuan ko ng may biglang nagsalita sa gilid ko.
Tinignan ko ang bagong gising na si Vann. Gulo gulo yung buhok nya pero ang pogi pa din.
Naalala ko nanaman yung pag uusap namin. Ugh!
Kalimutan mo na yun, Kai.
Pero hindi naman agad maalis yung pagkailang ko eh. Ramdam kong magbabago na treatment sakin ni Vann. Oo gusto ko yon kasi mababawasan na yung pag aaway namin, pero kasi----ugh! Ewan ko ba.
"Nagsimba kami ni manang" sagot ko sakanya.
Tumango naman sya. Umupo sya sa may left side na sofa. Buti nalang at di sya tumabi sakin, ang awkward kaya.
"Wala kang schedule ngayon?" tanong ko dito. Nakasandal lang ito sa sofa na parang walang ibang gagawin at hindi busy.
"Come on Kai, ngayon na nga lang kita nakita sa umaga papaalisin mo na agad ako" sagot nya ng hindi nakatingin sakin.
What the heck was that? Ang aga aga kung ano anong kaharutan nalabas sa bibig ni Vann. Mas okay na yung dati eh, yung puro kasungitan at walang magandang sinasabi. Atleast yon sanay ako at si Vann talaga yon. Eto ngayon, di ko na alam kung sino 'to. Hindi na ata alien sumapi dito, maligno na ata.
"Ewan ko sayo. Gutom lang yan. Kumain ka na don" pagtataboy ko dito.
"So your being mean now, huh?" tanong nito at tinignan ako.
"Ganito naman talaga ako ah" sabi ko at kununutan sya ng noo.
Pinagsasabi nito. Sya nga 'tong nagbago na hindi ko malaan. Masasanay din ako soon, pero kasi ang weird. Parang unti-unti ng magiging bilog yung sungay sa ulo ni Vann. Aigoooo! Ang creepy.
"Yeah, you're still nosy, babo" sagot nito at nginisian ako.
"Ewan ko sayo! Alien ka!" sabi ko naman pabalik.
Joke lang ata yung mawawala yung away at asaran namin ni Vann. Daily routine na ata namin yon. Kahit ang weird at may kung ano anong kaharutan na lumalabas sa bibig ni Vann, di pa din talaga mawawala yung nakakainis at mapang asar na mga salita nya.
"Hay nako kayo talagang dalawa, ang aga aga nagsisigawan nanaman kayo" sabi ni manang Ester samin at may pag face palm pa.
"It's her fault" pagturo sakin nito.
"Anong ako? Ikaw yon" turo ko naman sakanya.
"No, its not" sagot nya.
"Yes"
"No"
"Yes"
"No"
"Ye-----"
"Di pa rin kayo nagbabago" naiiling na sabi ni manang.
Magsasalita nanaman sana ako kaso pinigilan nya ako. "Ba't di nalang kayo umalis dalawa. Mukha namang walang pupuntahan ang asawa mo" suggestion nito.
"Manang seryoso ka ba?" tanong ko in a tone na parang eto yung pinaka hindi seryosong suggestion na narinig ko galing kay Manang.
"Ay sabagay, artista nga pala ang asawa mo. Sige ako nalang ang aalis" muling sabi nito.
BINABASA MO ANG
Married To The Idol
FanfictionAno sa tingin nyo ang feeling na ikasal sa idol ng lahat? Siguro masaya, maswerte, nakakainggit, feeling mo ikaw na ang pinaka swerte na tao sa mundo. Pwes, NAGKAKAMALI KAYO! Sino ba naman ang taong gustong ikasal sa napakasungit na nilalang, hin...