Chapter 2

262 12 3
                                        

Break time na. Ang bilis no? Wahaha. Kasama ko sa canteen yung besfriend ko at sya si........

"Hoy Kai! Anong tinutunganga mo dyan?"

Yes, she is my bestfriend. The one and only Patricia Nicole Villanueva. Matagal na kaming magkaibigan ni Patch. Kaso....... Hindi nya alam yung tungkol saamin ni Vann. Ang daya no? Yung mga kaibigan ni Alien alam na kasal na kami, samantalang nag-iisa kong bestfriend hindi alam. Aba matinde!

"Wala" sabi ko at sumubo ng ice cream.

Actually iniisip ko yung quiz namin kanina. Huhuhuhu. Sad to say bagsak ako. Ni hindi manlang ako umabot sa passing grade. :( Buti na nga lang at nakapasok pa akong Star Section.

"Kai, ang pogi ng BTS no?" sabi nya ng may pagkalawak na ngiti. At eto nanaman kami sa topic na 'to.

"Hindi ah. Mas pogi pa si Song Jongki sakanila eh" sabi ko. Totoo naman eh.

"Eh! Hindi kaya. Mas pogi pa si Justin dun eh."

"Psh. Patch, tigilan mo na si Justin ha? Malandi yun eh"

"Alam mo Kai ang sama mo talaga sakanila"

"Thank you" sagot ko at ngumiti.

"Ewan ko sayo Kai. Magugustuhan mo din sila"

"Never!!!" sabi ko.

Asa naman! Asawa ko nga hindi ko magustuhan eh. BTS pa kaya?!

Medyo nagulat ako ng mag vibrate yung phone ko. Sino naman kaya 'to?

Kinuha ko yung phone ko. Nagulat ako sa kung sino yung nagtext.

Si Alien.

Anong kailangan neto? Atsaka akala ko ba kapag nasa Xavier na wala ng pansinan. Well, except lang kung important.

Baka naman importante 'to?

So in the end, binasa ko parin yung message. Baka pagalitan pa ako nito eh.

From Alien:

Family dinner at our house. Later 7 pm.

Oh My Gosh! May family dinner kami. Meaning mag aacting nanaman kami ni Alien. Ano ba naman yan?! Kailangan pa kasi naming maging sweet sa harap ng parents namin. Ang hirap kaya nun.

"Oy Kai! Ayos ka lang?"

"O-Oo." sabi ko.

---B---T---S---

"Yah Babo! Bilisan mo nga magbihis!"

Letse naman eh! Mas lalo akong kinakabahan eh. Hindi na bago saakin 'tong family dinner kasama yung family ni Vann. Kaso etong si Alien kasi napaka choosy sa isusuot kong damit. Akala mo naman pupunta kaming engrandeng party. Pang limang palit ko na 'to eh.

Una naka knee-ripped pants ako tsaka addidas na tshirt tsaka addidas na sapatos. Kaso pinagpalit ako ng damit. Sabi nya family dinner daw ang punta namin hindi sa mall. Aba! Ginaya ko lang naman sya eh. Nakapants lang din naman sya.

So yun na nga, yung mga sumunod eh nagdress na ako. Kaso hindi rin nakalagpas. Merong masyadong maiksi, merong sana garden nalang yung sinuot ko kasi super floral, meron ding masyadong showy. Aba! Kung sya kaya maghanap ng damit ko dito!

"Hoy Babo ano ba?! Kapag ako nainis papasukin kita dyan!"

"Oo na. Malapit na"

Buti nalang at nakita ko 'tong pastel pink long sleeves at white skirt ko. Sinuot ko yung close shoes ko. Hinayaan ko nalang na nakalugay yung buhok ko. Wala na akong oras mag make-up. Tsaka no need na din. Maganda na ako!

Married To The  IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon