Chapter 3

187 11 2
                                    

Kai POV

Ugh! Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko.

Teka?!

Paano ako napunta sa kwarto ko?

Imposible namang nag sleepwalk ako. Hindi kaya.......

Binuhat ako ni Vann. Ano naman kayang pumasok sa isip nun at binuhat ako papasok hanggang dito sa kwarto ko. Ehhhh??? Kung sya nga yung bumuhat saakin----------

Agad akong tumingin sa mga damit ko.

Buti nalang may suot pa ako. Mapapatay ko talaga yang si Alien kapag may ginawa sya saakin. Naku naku!

Kinuha ko yung alarm clock ko. 8:30 na. Mamaya pa namang 10:00 yung klase ko. Buti nalang talaga at 10:00 yung klase tuwing TTH. Kung hindi...... Naku makikita ko nanaman si Detention. Niligpit ko na yung pinaghigaan ko at lumabas ng kwarto ko. Napadaan ako sa kwarto ni Vann. Nakapasok na kaya 'tong Alien na 'to? Ehhhh? Ano bang pake ko?

Bumaba na akong hagdan at dumiretso sa sala para manuod ng t.v.

"Manang asan po si Vann?"

Oo na! Ako ng concern. Asawa ko yun no?! Malay ko ba kung nasaang lupalop ng Pilipinas napadpad yun.

Napangiti ng makahulugan si Manang. "Naand--------"

"Looking for me?"

"A-Ano kasi...... Kasi baka pumasok ka na." palusot ko. Kasi naman eh! May lahi ba 'tong kabute at bigla-bigla nalang sumusulpot.

"Yeah. Whatever, babo!" sabi nya. Paliko na sana sya kaso "Before I forgot, hindi ka manlang ba magte-thank you saakin? Ang bigat mo kaya" sabi nya.

Confirmed! Sya nga ang bumuhat saakin.

"Thank you" sagot ko.

---B---T---S---

"Kai kasi pumayagka na!"

"Hindi pa nga pwede"

"Eh, sleep over lang naman eh. Ako mag papaalam kay Tita."

Ehhh!!! Kanina pa 'tong si Patch. Kinukulit akong mag sleep over daw kami kasi namimiss nya na daw ako. Eh di pinagalitan naman ako ni Vann. Malamang sa bahay namin sya ni Vann matutulog kung magii-sleep over kami. Eh di nalaman nyang asawa ko si Vann.

"Hindi pa nga pwede Patch."

"At bakit naman aber?"

"Kasi nga...... May sakit Zyra baka mahawa ka" palusot ko. Jusme, kailangan ko na talagang magsimba sa dami na ng kasinungalingang nasabi ko. And Zyra was my little sister.

"Psh. Konti nalang talaga Kai magtatampo na ako sayo" sabi nya.

Kasi naman eh! Bakit ba kasi bawal kong sabihin kay Patch. Bestfriend ko naman sya eh. Napakadaya talaga nyang Vann na yan.

"Sorry na Patch. Babawi ako sayo promise"

"Oo na!"

Hayyy!!! Malalagot ka talaga sakin Alien kapag nag-away kami ni Patch.

Vann's POV

"Yeah. Yeah. Sasabihin ko nalang sakanila. Yeah. Bye"

At binaba ko na yung tawag. That was our manager. Sabi nya kailangan na naming maghanda para sa comeback namin. Tss.... Ang hirap talaga kapag Idol ka na studyante ka pa.

"Oy bubuyog! Si Manager Lim ba yun?" si Jeros. Psh. Sya lang naman ang tumatawag saakin ng bubuyog. Yung screen name ko daw kasi. Tss...

"Yeah. What's new?" sabi ko at ininom ang juice na nakalapag sa lamesa.

"Para saan daw?" si RM.

"Para sa comeback daw natin" sagot ko.

"Yun oh. Ma-eexpose nanaman ang gwapo kong mukha" mayabang na sabi ni Justin.

Binato ko sya ng unan. Nga pala nandito kami sa special room namin.

"Hoy V! Bakit ka nangbabato?" tanong nya habang hinihimas yung ulo nya.

"Tss.... Ang yabang mo!" sagot ko.

"Hahaha. Napapala mo Justin!" natatawang sagot ni JK.

Tss... Ang gugulo nila. Buti pa 'tong si Sceven natitiis ang kaingayan nila.

Naalala ko nanaman yung nangyari kagabi. That should be meaningless pero hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog ng ayos kagabi. Tsk! I hate it! That was just nothing! Sa noo lang naman. Besides she is my wife. There is nothing wrong with that.

"Hay nako V. Iniisip mo nanaman ang asawa mo" sabi ni Jin.

Tinignan ko sila ng masama. "Of course not. Why would I?" sagot ko. Tsss.....

"Haaayyy. Dyan din nagsimula ang lovestory ng lolo't lola ko." sabi ni Jeros.

"Kung sinasapak kaya kita ngayon Jeros." pambabamta ko.

"Sorry na. High blood ka nanaman eh" sabi nya. Inirapan ko nalang sya.

----B---T---S---

Kai POV

Aba! Alas dyis na ng gabi. Hindi parin umuuwi yung alien kong asawa. Okay lang sana kung hindi ako apektado eh. Kaso hindi eh. Pinatulog ko na si Manang Ester kasi baka matagalan pa ang pag-uwi ni Vann. Kaya eto, natapos ko na yung pinapanuod kong K Drama hindi parin sya dumadating.
Tinatry ko naman syang tawagan kaso hindi naman sinasagot. Ganun na ba sya kabusy?

Nilipat-lipat ko yung mga channel hanggang sa mapad-pad ako sa isang channel. Isa syang live music show. Yung parang sa kpop. Ganorn. Actually replay lang 'to. Pero hindi ko na nagawang ilipat ng tawagin ang sumunod na sasayaw.

Ang BTS.

Nagsimula ng tumugtog ang kanta. Kung hindi ako nagkakamali Dope ang title nitong kanta. Actually pangalawang beses ko palang sila napapanuod na magperform sa t.v. At masasabi kong ang galing nga nilang magperform. Kaya naman ang daming nahuhumaling sa kanila eh. At hindi ako kabilang dun.

"Hindi ko alam na fan ka na pala namin"

"Ay Asawa kong alien!!!"

Putakte naman! Balak nya ba akong patayin sa gulat? Alam nya namang mag-isa lang ako dito sa baba eh. Tapos bigla pa 'tong susulpot. Jusmiyo naman! Tatamaan na talaga 'tong alien na 'to sakin eh.

"Tsk. Do I really look like an alien to you?"

"Medyo. Hahaha" sabi ko.

"Tss..." at inirapan ako.

Nagulat ako kasi tumabi sya saakin sa sofa. Eh? May isa pa naman dun. Bakit hindi na lang sya umupo dun?

"Psst. Alien kumain ka na ba?" Syempre. Asawa ko yan. Baka mamaya isumbong pa ako nyan na hindi ko sya pinapakain.

"Oo" tipid nyang sagot.

"Eh saan kang nanggaling?" tanong ko ulit.

"Tss... Pake mo ba?"

Oo nga? Pake ko ba? Haaayyy. Sungit mode nanaman si alien.

"Sabi ko nga. Sige, matutulog na ako." sabi ko at umakyat sa kwarto.

Married To The  IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon