Chapter 26

230 13 3
                                        

One week. One week na ang nakakalipas simula nung....nung ano....nung ginawa sakin ni Vann yung 'Punishment' kuno nya. One week na ang nakakalipas simula nung kunin nya sakin ang first kiss ko. Oh God.

At one week ko na din syang iniiwasan at hindi pinapansin. Alam kong imposible na hindi kami magkita dito sa bahay, pero ginagawa ko ang best ko para hindi sya makita-----kahit buhok nya ayokong makita. At kahit sa school iniiwasan ko sya, na naging madali para sakin. Sunod sunod na kasi yung nagiging schedule nila. Mga fan meets, music shows, mall tour at kung ano-ano pa.

Actually, tinetext ako ni Vann. Gaya ng 'Where are you', 'Are you okay?', at yung pinakahindi ko makakalimutan ay yung 'I miss you'. Lasing ata yung asawa ko nyan. I miss you daw, seryoso ba sya? Konting-konti nalang talaga isusugod ko na sa ambularyo si Vann eh. May kung anong maligno atang sumapi. Hindi ako sanay.

I was busy here at our living room, hindi sa bahay namin ni Vann kundi sa bahay talaga namin. It was Saturday at wala ng asawa ko, busy sa kung anong schedule nya. Nag paalam naman ako kay manang Ester na pupunta ako dito. Nakakabored sa bahay namin. Actually kay Patch dapat ako pupunta kaso umalis daw sya. So, dito ako nagpunta sa bahay namin----namasahe ako papunta dito. Marunong naman ako mag comute. Though ako at yung mga maids lang yung tao----napaaga kasi yung alis nila emma kaya wala ng tao dito, okay lang sakin namiss ko din naman kasi dito. Hindi ko din naman balak magpagabi kasi ayokong bumyahe ng gabi. Wala na yung family driver namin kasi wala namang naka stay dito.

Nanunuod lang ako ng movie and eating a popcorn. I really miss our house. Ngayon ko lang kasi naisipan mag comute papunta dito, at ngayon lang din ako nagkachance makapunta dito. Asa naman kasing payagan ako ng asawa ko.

Nakakamiss yung mga memories ko dito. Kagaya lang ng ginawa ko ngayon, just lying in the sofa while watching a movie. Minsan kalaro ko si Zyra.

At yung mga panahong kasama at kalaro ko si Vann.

Wait.

What the hell?

Anong klaseng memory yon?

Erase. Erase.

Childhood memory na dapat kinakalimutan ko na. Ano pang point eh ako nalang naman ata ang nakakaalala saming dalawa ni Vann. I mean, all those 2 years na pagsasama namin ni Vann, never naming napag usapan yung childhood namin. Hindi nya ata ako maalala, o baka kinalimutan nya lang ako.

Hays. Bahala na sya sa buhay nya. I hate him.

-----

Bigla akong napabalikwas ng marinig kong natunog yung phone ko. Kunot noo ko 'tong tinignan.

Alien calling...

Huh?

Sasagutin ko na sana yung tawag kaso naging missed call na 'to. Kinuha ko yung phone ko.

And what the hell?!

50 missed call, 40 text galing lahat kay Vann.

Yaman naman nito sa load. Tsaka ano bang kailangan nito? Nagbasa ako ng ilan sa mga messages nya.

From: Alien

I'm home.

From: Alien

Where are you?

From: Alien

Wala ka bang balak umuwi?

From: Alien

It's late Kaillene Venice. Go home now.

At yung bago nyang text na...

Married To The  IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon