Chapter 13

152 10 0
                                    

"Bakit ba ayaw mong sabihin sakin, Vann?!" sigaw ko.

Alas diyes na ng gabi ng makarating si Vann dito sa bahay. Tinanong ko kung saan sya galing, ag sabi nya umuwi daw sya sa bahay nila. Pero nung tinanong ko sya kung bakit sila nag-away ni Direk at anong dahilan ayaw nyang sabihin saakin.

"Pwede ba, Kai! Wag ka ng makealam! Problema na namin 'to!" sigaw nya pabalik.

"Oo tama ka. Problema nyo nga 'to. Pero Vann nag-aalala ako. Nagulat nalang ako ng bigla nalang tumawag saakin si Justin-------"

"Oh shut up! Wala na rin namang halaga kung malaman mo yung dahilan. And besides, I fvcking regret why I did it. Because of that----Ugh! Damn it!." sigaw nya at iniwan ako.

Napaupo ako sa sofa.

Hindi ko maintindihan si Vann. Bakit ayaw nyang sabihin? May kutob ako na may kinalaman ako pero ayokong isipin yun. Kagaya nga ng sinabi nya problema lang nila yun kaya imposobleng ako ang dahilan. Ugh! Nakakainis! Naiinis ako kasi dapat hindi ko nalang pinakealaman si Vann. Naiinis ako kasi ano nga bang pake ko? May sariling buhay parin ai Vann, may sariling problema kaya wala akong karapatang mangealam, kahit na asawa nya ako. Naiinis ako kasi bakit ako umiiyak?!

"Kaillene, hija?"

Agad kong pinunasan ang mga luha ko ng marinig ko ang boses ni manang.

"P-Po?"

"Bakit kayo nag-away? Ngayon ko nalang kayo nakitang ganyan nag-away. Anong nangyari?"

Agad akong napatayo at niyakap si manang. "Ka-kasi po... Kasi manang nagkasagutan daw po si Vann tsaka yung direktor nila. Tapos po tinatanong ko kung anong dahilan kung bakit nya nagawa yun sa direktor nila...." napatigil ako sa pagsasalita. Muli nanaman kasing natuloy yung pag-iyak. Nakakainis na, ha! Ganun naba ako ka affected?!

"M-Manang.... M-Mali po ba yung ginawa ko? Mali po bang pakealaman sya sa problema nya?.....Ma-Mali po bang mag-alala?" hindi ko maiwasang mabasag yung boses ko dahil sa paghikbi.

"Shh... Walang mali sa ginawa mo, Kaillene. Naiintindihan kita. Tungkulin yan ng isang asawa. Kahit na sabihin mong hindi mo mahal si Vann, hindi mo maiiwasang mag-alala. Pero hija, naiintindiha ko rin kung bakit ganun nalang ang ginawa ni Vann sayo. Hindi ba't ayaw nyang pinapakealaman sya? Siguro.... Naninibago lang si Vann. Naninibago kasi hindi ka naman ganyan dati. Baka nasanay si Vann na wala kang pakealam sakanya. Kaya hija, intindihin mo nalang. Kahit na nasasaktan ka." sabi ni manang.

Kumalas ako sa yakap namin ni manang at nagpunas ng luha. "S-Salamat manang. Sige po, magpapahinga na ako" sabi ko at umakyat na.

Pero bago pa ako tuluyang pumunta sa kwarto ko.... Tumigil muna ako sa tapat ng pinto kwarto ni Vann. Tutal madadaanan naman 'to bago tuluyang makapunta sa kwarto ko.

Bahagya akong lumapit. Wala naman akong balak kumatok eh.

"Sorry..."

Mahina lang ang pagkakasabi ko kaya for sure hindi nya yun narinig. Pumasok na ako ng kwarto at humiga sa kama.

Siguro dapat lang na ako yung nagsorry. Ako naman kasi yung nagealam, diba? Asawa nya lang ako..... Sa papel. No feelings inserted. Ayos lang naman sakin yun eh. Wala rin naman akong nararamdaman sakanya. Pero kasi hindi ko maiwasag hindi masaktan sa nangyari kanina. Nag-aalala lang naman ako. Pero bakit parang ako pa yung mali? I shouldn't think this way. Kilala ko si Vann. He maybe harsh somethimes.

---B---T---S---

Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha. Tumayo ako at nagligpit ng kama. Dumiretso agad akong c.r para maligo. Tapos nagbihis na ako at lumabas.

"Oh Kai, kumain ka na" pambungad saakin ni manang ng makita nya ako.

"Opo" sabi ko at naglagay na ng pagkain sa plato ko.

"Nga pala, maagang umalis si Vann. Papasok ata. Nauniform na eh."

Napatango nalang ako at tinuon ang pansin sa kinakain ko.

Pagkarating ko sa Academy ay tinakbo ko na agad ang room. Naku po! Palagi nalang akong malapit malate. Huhuhu. Buti nalang at hindi pa ako natutuluyang malate. Pagkapasok ko ay bumungad agad saakin ang BTS kahit na nasa dulo pa sila. Naalala ko nanaman yung mga nagyari kahapon. Mukha namang walang alam ang mga fans nya sa nangyari kahapon. Its a relief, though.

"Hoy! Ayos ka lang?" pambungad saakin ni Fritzie.

Umupo ako. "Of course. May dapat ba akong ikalungkot?" sabi ko. Uhmm... May parte pa rin talaga saakin ang nag-aalala. And I hate it.

"Wala naman. Ay oy! Kakausapin natin si Vann mamaya, ha" hininaan nya talaga yung yung may part na kakausapin si Vann.

"Ha? Wag na."

"Tsk! Chance na yan, Kai! Grab the ofortunity! Hahaha"

"Ewan ko sayo" naiiling kong sabi.

"Andyan na si ma'am!"

Narinig kong sigaw ng kaklase namin.

Pero bago pa tuluyang makapasok si ma'am ay nagtype muna ako ng text message kay Jeros. Hindi kasi talaga ako matahimik. Last na 'to.

To BTS' Jeros:

          Jeros, kamusta? Ayos na ba kayo? I mean sina Direk at Vann?

Pagkatapos kong mag type ay tinago ko kaagad ang phone ko. Ayoko namang maconfiscate 'to.

Nasa kalagitnaan ng pagdidiscuss si ma'am ng magvibrate yung phone ko. Nagdadalawang isip pa ako kung kukunin ko ba o hindi. Paano kapag nakita akong nagtetext? Edi macoconfiscate naman. Paank kung si Jeros na yung nagtext? Aish! Bahala na! Mabilisan kong kinuha yung phone ko sa bulsa ng palda ko. Buti nalang at second to the last row ako nakaupo. At tama ako, si Jeros ngaag nagtext.

From BTS' Jeros:

         Mahabang kwento. Talk to you later. :)

Napabuntong hinga ako. Ano ba namang sagot yan. At saan naman kami mag-uusap, aber? Kahit saang banda ng school merong fans nila. Siguro tatawagan ko nalang sya pagkauwi ko.

---B---T---S---

"Hoy Kai, bilisan mo! Baka hindi na natin maabutan yunh BTS!" sigaw ni Patch saakin at kinaladkad na ako.

Tumatakbo kami ngayon paakyat ng rooftop. Alam ko bawal kami dun pero eto kasing si Patch eh. Ang sabi ni Patch hindi pa daq nakakarating ng rooftop ang BTS so may chance pa kaming maaubtan sila. Believe me, ilang beses ko na syang pinigilan. Ewan ko ba dito kung saan humugot ng napakataas na confidence.

"P-Pagod na ako" hinihingal kong sabi.

"Tsk! Ayan na malapit na tayo!" sabi nya. Napairap nalang ako. Humanda ka talaga saakin Patch kapag ako sinumpong ng asthma. "Promise Kai, pagkatapos nito bibilihan kita ng maraming inhalers o kaya gamot dyan sa asthma mo" sabi nya.

"Oo nalang!" singhap ko. Huhuhu. Feeling ko talaga hindi ko na kaya. Nasa bag pa naman yung inhaler ko. Good luck talaga saakin. Sana lang talaga hindi ako sumpungin ng asthma ko.




"OMG! BTS! V!"

Married To The  IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon