•Hilary's Point of View
Ang kaso ni Miss Jess Garcia nga ang naging daan para magkita kaming muli ng kama ko. Hindi na itinuloy ang party dahil ano pa nga bang silbing magsaya ang mga tao roon pagkatapos ng nangyari.
After nung pag-uusap namin ni Jace ay hindi na kami nagkita ulit. Tapos na rin sa wakas ang araw na ito.
*
Nagising ako sa tunog ng ringtone mula sa cellphone ko. Tiningnan ko ang digital clock na nasa bedside table ko at 5:30 palang ng umaga. Sino namang tatawag ng ganito kaaga sa akin. Fuck. Ano bang meron? At saka sino naman ba kasing matinong tao ang tatawag ng ganitong oras?
"Hello?" Sinagot ko ang tawag without even checking the called ID.
"Hilary, there is another murder case dito sa Limoge Hotel malapit lang sa inyo ito." Sabi ng isang boses, isang pamilyar na boses at kung hindi ako nagkakamali si Inspector Escobar ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
"Another murder case?!" O great! Wala pa ngang halos isang araw matapos ang pagkamatay ni Miss Jess pero meron na namang bago! Hindi na talaga matapos-tapos ang mga krimeng nangyayari dito sa bayan ng Herlucke.
"Oo. Paumanhin dahil naistorbo kita sa ganitong oras. Pero kailangan ka rito kaya pumunta ka na rito."
"Sige, papunta na ako jan." Sabi ko at ibinaba na ang tawag.
Dumiretso ako sa closet at kinuha ang mga damit na abot kamay ko lang. At this moment hindi ko na inisip kung anong itsura ng suot ko dahil meron na namang buhay ay nawala. Hindi na kailangan pang magtagal ako sa bahay.
Pagkatapos kong maisuot ang isang pantalon ang isang tshirt. Kinuha ko na ang converse ko na slip on lang at isinuot ito.
Bumaba na ako at kinuha na ang susi ng kotse ko. Halos paliparin ko na ang kotse sa bili ng pagmamaneho ko. Mabuti na lamang at maaga pa at kakaunti pa lamang ang nagmamaneho sa highway. Malapit lang ang Limoge Hotel sa bahay namin kaya naman mga limang minuto lang ang naging biyahe ko.
Nang makarating ako sa sinabing Crime Scene ni Inspector Escobar ay kapansin pansin na halos nagsisilabasan na ang lahat ng mga nag check in sa hotel na iyon. Lahat sila ay nakikiusiyosyo sa nangyaring krimen.
Agaw pansin nga naman talaga dahil mula sa pinagbabaan ko dito sa elevator ay kumpulan na ang mga pulis sa harapan ng room ng biktima.
Poison. Ang pagbula ng bibig at ang liko liko nitong mga daliri ay ang mga sintomas ng paglason dito. Mayroong isang buong cake na nakahain sa kanyang lamesa at isang pirason hiwa mula roon ang nasa kanyang pinggan. I am positive that this victim is murdered.
Pero ang tanong. Sino?
Nang makarating ako sa kinaroroonan ni Inspector Escobar ay binalingan ako nito ng tingin at ibinalik rin sa nakahandusay na biktima.
"Isa na namang murder case pero sa panahong ito. Walang mga bagay na makapagtuturo sa suspect." Sabi ni Inspector.
"There are things that hindi lang kailangan makita ng mata. Kailangan marunong ka ding makiramdam." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Project Mischief
Mystery / ThrillerHilary Cervantes is a junior detective. She studies in Trinity High School in Herlucke. Multiple murder cases that appeared to be connected in each and every way but they can't figure it out, just yet. Meanwhile, a man that goes by the name of Blad...