Project Mischief 26 | The Preparation

2K 66 2
                                    



Yes! Yes! Yes! Hindi ko inakalang aabot pa ako hanggang sa chapter na ito! Haha. Ang saya ko.

I'll go Sisa on you. Serielsleeper. What did you do to me?

Anyways chapter 26, here it is.

*

Edwards' Point Of View

Nandito kami ngayon sa principals office. Hindi ko nga alam kung bakit. Wala naman akong maalalang ginawa kong kalokohan and if ever malaman man na may kalokohang nangyari malinis ang pagkakagawa ko noon.

Gaya na lang noong pinakawalan ko yung mga palaka sa laboratory na ida-disect namin.

Nakakadiri kaya. Kaya ko pinakawalan. Asa ka mamang mag-disect ako ng froggy.

Tapos noong nanakot ako sa TLE room, may inutusan kasi ang isang teacher doon na kunin yung libro niya na nakapatong sa lamesa doon sa may dulo noong room na iyon. And since maraming mono block chairs doon kumuha ako ng strings at ikinabit yun mula sa bintana at pumwesto ako sa labas.

Noong makapasok siya sa loob ng room at nakapunta na siya sa may dulo bigla kong hinila yung string kaya nakapag-produce ng sounds yung mono block.

Napasigaw pa siya noon at nagmamadaling lumabas. Nadapa pa nga ng ilang beses at natalisod.

Tawa ako ng tawa noong mga panahong yun. Hahaha.

Nakaupo si Nate sa single sofa at sa arm ng chair naman si Yuki. Habang kami naman ay dito sa mahabang sofa sa may living room type na office ng Principal.

"Hello, Edward, Nate, Ria, Yuki at ang aking kapatid. And hello to you too, Hilary, new member I suppose. Pinapunta ko kayong buong Hidden Chronicles club to discuss some matters." Bati sa amin ni Principal Hanes. As you can see ang principal lang ng school na ito and some teachers ang nakakaalam sa kung sino-sino nga ba ang miyembro ng Hidden Chronicles club.

"Hello, Principal." Bati naman sa kanya but Hale did not bother. Ewan ko ba kung bakit hindi man lang niya batiin ang ate niya.

Yes. Tama po kayo ng basa. Ang pangalan ng Principal namin ay Alessandra Hanes Alberts. Kapatid ni Hale.

She does not want to be addressed as Alessandra because only God knows why she despise that name.

"Oh, drop the formalities. Just call me Ate Hanes." Sabi nito.

"So," panimula niya at nilibot ang paningin sa aming lahat.

"As you can see malapit na ang foundation week natin. I need you, no I need your club to organize the whole foundation week. Kayo na ang bahala sa preparations, events or what. You can also assign every clubs to do their tasks. That's all. I'm not taking no for an answer. Its only a week from now so better start planning. Meeting adjourned." Sabi nito.

Wala naman kaming nagawa kung hindi ang sundin siya. Si Hilary naman nakanganga. Aba. Malay ko jan. May pumasok sanang bubuyog sa bunganga niya.

Lumabas na kami roon sa office niya at dumeretso sa club room. Wala kaming klase ngayon since katatapos lang ng periodical exam at busy sa pag-ch-check ng test papers ang mga teachers kaya wala rin silang time para bantayan pa kami.

Project Mischief Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon