Dahil na-inspire ako sa "presence of mind" ni kuya Christian sa drum 'n lyre namin.
Wala rin akong maisip na title so untitled na lang haha.
I give you this chapter.
Hilary's POV
Nawindang talaga ako sa balita kagabi. Bakit pa kasi siya babalik. Iingay na naman ang mundo ko.
"Hil, nandito na ako!!!" Shit. Speaking of the devil.
"Kuya!" Sigaw ko pabalik at niyakap siya.
Kahit ganun naman ako kainis sa pagbabalik niya dahil muli na naman niyang guguluhin ang buhay ko ay ganun din ang saya ko dahil halos tatlong taon din kaming hindi nagkita though nagi-skype naman kami pero iba pa rin talaga kapag harap-harapan.
Siya. Ang kuya ko. Ang pangalan niya ay Christian Ozera nah joke lang. Sorry masyado lang akong adik sa Vampire Academy. Peace.
Seryoso na. Siya si Christian Cervantes, 24 years old. Isa siyang private field agent ng kilalang org. In short, CIA agent siya kaya naman minsan lang namin siya makasama.
"Pasalubong?" Sabi ko at nag-puppy eyes sa kanya.
"Shoot. Nakalimutan ko." Sabi niya at nagkamot ng ulo. Yung mukha kong sobrang saya naging ganito ---> -_-
"Umuwi ka pa." Tatalikod na sana ako pero bigla niyang nilabas ang isang bag. Shems. Laptop mga bregs! Nagliwanag naman ang mga mata ko dahil doon.
"Para sa akin ba 'to?" Tanong ko habang turo turo yung bag ng laptop.
"Maganda ba?" He paused. Tinignan niya muna ako bago nagsalita. "Balak ko sanang ibigay kay dad e."
And for the second time, bumagsak na naman ang mukha ko.
Nakakainis talaga ito -_-
"Pero siyempre, joke lang yun. Para sa'yo talaga to bundok!" Sabi niya at bi-near hug ako.
"Grabe naman yang nickname na binigay mo sa akin." Sabi ko rito.
"Sa akin talaga ito? Mamaya niloloko mo na naman ako jan e."
"Promise sayo talaga ito." Sabi niya at itinaas pa yung kanang kamay niya. Edi wow.
Sumilay ang ngiti sa aking labi at muli ko siya niyakap.
"Yes naman, thank you kuya!"
Inabot niya sa akin yung laptop at dinala ko naman ito sa kwarto ko at bumalik din agad.
"Kumain ka na kuya?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi pa. Lutuan mo nga ako haha." Sabi niya at umupo sa stool ng kitchen namin.
Umiling iling akong naglakad papunta sa ref at kinuha ang mga ingredients na kakailanganin ko.
"Nasaan pala si Nana Lett?" Tanong niya.
"Nag-leave muna siya ng dalawang araw. Babalik na siya bukas kahapon pa kasi siya wala e." Sagot ko at inihanda ko na lahat bago ako magsimulang magluto.
*
Pagkatapos kumain ni kuya sabi niya sa akin magpapahinga lang daw siya saglit at pupunta kami ng mall. I-mi-meet daw namin doon si daddy at sa labas kami magdi-dinner.
Alas siyete na rin ng gabi nang umalis kami ni Kuya at nagpunta sa isang restaurant sa isang mall.
Nakita naming naghihintay roon si dad. Nagbatian at kami at nagkwentuhan ng kung ano-ano.
BINABASA MO ANG
Project Mischief
Mystery / ThrillerHilary Cervantes is a junior detective. She studies in Trinity High School in Herlucke. Multiple murder cases that appeared to be connected in each and every way but they can't figure it out, just yet. Meanwhile, a man that goes by the name of Blad...