------Project Mischief 25
------
They found her
------
Hilary's Point Of View
Madilim. Iyan ang una kong napansin sa kung nasaan man ako ngayon. Ramdam ko ang lamig ng semento kung saan ako nakahiga.
Pinilit kong igalaw ang katawan ko pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko parang dinaanan ako ng napakaraming truck ng sunod sunod.
Ramdam ko rin ang pananakit ng ulo ko. Nang hinawakan ko iyon ay nakaramdam ako ng malagkit na likido mula sa itaas na bahagi ng aking sentido. Walang dudang dugo nga iyon.
Pero nasaan ako? Anong ginagawa ko dito? Sino ang nagdala sa akin dito?
Para bang nadinig ang mga tanong ko dahil di kalaunan ay dumating ang dalawang lalaking hindi ko makita ang mukha pero nadidinig ko ang mga boses nila.
"Siguraduhin mong patay na siya bago pa ako makaalis." Sabi nang isang hindi na tumuloy na pumasok sa silid na iyon at nanatili lamang na nakatayo sa may pinto.
"Dapat walang makaalam sa nangyari kung hindi, iisa-isahin ko kayo." Dagdag pa nito.
"Opo Boss." Sagot naman nang kasama niya.
Maya-maya ay tumunog ang ring tone ng isang cellphone at kahit na malabo ang paningin ko at nasisilaw sa liwanag na nagmumula sa maliit na siwang ng pintuan ay naaninag kong sinagot niya ang tawag.
Lumayo siya sa kasama niya at sinagot ang tawag at nang makabalik siya ay nagbigay ito ng bagong order.
"Nagbago na ang isip ko, huwag niyo na pala muna siyang patayin. Paglalaruan ko muna siya. Painumin mo siya ng pampalimot."
Sabi nito at tumango naman yung lalake saka lumapit sa akin.
Marahas niyang hinawakan gamit ang isa niyang kamay ang magkabilang pisngi ko at sapilitan niya akong pinanganga at doon may pinainom siya sa akin.
Iyon na siguro ang pampalimot na sinasabi nung lalake.
"Aaaaaaaacccccckk!" Daing ko dahil sa pagkasamid nang ipainok niya ito sa akin.
-----
Iyon ang pangyayaring parehong pareho sa panaginip ko. Tama nga si Tita Audrey those were not just nightmare but fragments of my past. Pero how come na nakalimutan ko yun? Wala naman akong alam na nagka-amnesia ako.
Naglitawan ang mga bagong katanungan sa utak ko pero biglang nag-iba ang scene na nakikita ko.
Nakatali ang dalawa kong kamay sa magkabilang gilid at kasalukuyan akong nakaluhod.
Nangangawit na ang kamay ko at mga braso dahil sa tagal na ng pagkakatali ko dito.
Ramdam na ramdam ko rin ang hapdi ng mga sugat ko sa likod na hinampas ng latigo kani-kanina lang.
Araw-araw nila itong ginagawa sa akin. Hindi pa ako nakakatikim ng pagkain simula nang mapadpad ako rito. Hindi ko din alam kung ilang minuto, oras o araw na akong nandito.
BINABASA MO ANG
Project Mischief
Mystery / ThrillerHilary Cervantes is a junior detective. She studies in Trinity High School in Herlucke. Multiple murder cases that appeared to be connected in each and every way but they can't figure it out, just yet. Meanwhile, a man that goes by the name of Blad...