Hello 😒😂
Ang hirap maging tamad grabe haha.
Heto na ang Chapter 14!!
Enjoy!
*
Hilary's Point Of View
"Siguraduhin mong patay na siya bago pa ako makaalis."
"Dapat walang makaalam sa nangyari kung hindi, iisa-isahin ko kayo."
"Opo Boss."
"Nagbago na ang isip ko, huwag niyo na pala muna siyang patayin. Paglalaruan ko muna siya. Painumin mo siya ng pampalimot."
"Aaaaaaaacccccckk!"
Napabalikwas ako mula sa pagkakatulog ko, para akong naki-fun run dahil sa sobrang pagtulo ng butil butil kong pawis and my uneven breathes.
Sa sobrang pawisan ko ay aakalain mong kagagaling ko lang ng banyo at katatapos maligo.
Tinignan ko ang digital clock na nakapatong sa lamesa na nasa tabi ng kama ko.
Ala-una pa lang ng madaling araw. At sigurado ako na dahil sa panaginip na yun mahihirapan na akong natulog.
Hindi pamilyar sa akin ang mga pangyayaring napanaginipan ko pero ang huli kong narinig mula sa bangungot na iyon ay ang sarili ko mismong sigaw.
Halos gabi-gabi na akong dinadalaw ng mga ganoong klase ng panaginip. Hindi ko alam kung bakit.
Ilang araw na rin akong walang sapat na tulog at madalas ay nagigising ako sa pagtulog ko kada-hatinggabi.
That never happened before, wala akong maalalang pangyayaring ganoon.
Weird ba kung sasabihin ko na I can't remember anything when I turned 14. My friends, and all.
Feeling ko yung panaginip ko is somehow connected to what happened last 2 years. I got a gut feeling.
*
I decided not to go to school at pumunta sa isang kakilala kong Psychiatrist.
Hindi naman sa iniisip kong baliw ako pero I just need answers. From experts.
Nakaupo ako ngayon dito sa may living room ng isang office nang bumukas ang pinto at lumabas na ang Psychiatrist.
"Hello, Ms. Cervantes." Sabi nito.
"Hilary, just call me Hilary Doc." Sabi ko naman sa kanya.
"Then you will address me as Tita Dri. Since Audrey is too long." Sabi nito.
"So what brings you here, Hilary?"
"I've been having nightmares. Its haunting me like it was from my past..."
Yun na nga. Sinimulan ko ng ikwento lahat ng tungkol sa mga panaginip ko.
"Hilary, those dreams aren't just dreams. They can be fragments of your memories from your past."
"Imposible pong fragments ng memories ko iyon. That never happened before."
"Diba sinabi mo kanina sa akin na when you were fourteen years old wala kang maalala with in that span of year?"
"Yes Tita."
"Well then that explains everything, maybe may nagpainom sa'yo ng isang gamot na pampalimot for you to forget your past.
"I know someone who experienced and nangyayari sa inyo ngayon."
"Sino po?"
"My son."
BINABASA MO ANG
Project Mischief
Mystery / ThrillerHilary Cervantes is a junior detective. She studies in Trinity High School in Herlucke. Multiple murder cases that appeared to be connected in each and every way but they can't figure it out, just yet. Meanwhile, a man that goes by the name of Blad...