Yes. Yes. Yes.
Makikita niyo rito kung paano magalit si Tartarus!
Here is chapter 16!!! Enjoy!!
*
Ria's Point Of View
Its saturday. Ngayong araw na ito pupunta kami sa Helheim and we are going to stay in Edwards house.
Dang! Sabi niya sa akin kagabi ipapakilala niya na daw ako sa parents niya. Sabi pa niyang wag ako mag-alala and just me myself.
Great advice. Just great.
Kahit na kinakabahan pa rin ako, maaga akong nagpunta dito sa harapan ng school nagpahatid ako kay Mang Kanor kasi sabi ni Edward sa akin daw siya sasabay.
Sina Yuki at Nate naman magkasabay na pupunta rito dahil nag-sleep over daw si Yuki sa bahay nila Nate. Nagtataka tuloy ako kung may relasyon yung dalawang yun. Lagi silang magkasama e.
Anyways. Nandito na ako dala-dala ang isang gym bag na damit at iba pang kakailangan-in namin.
We don't know who we are dealing with pero dapat handa kami anuman ang sumalubong sa amin.
Its only 4:00 in the morning at nanrito na ako at nakaupo sa bench sa labas ng school.
Matagal-tagal din kasi ang biyahe papuntang Helheim at hahanapin pa namin kung saan yung lugar na nakalagay sa sulat, at ang alam ko may sadya din si Hilary sa lugar na yun.
Naka-white shirt, black ripped jeans, at naka-vans yung old skool.
Mga fifteen minutes din akong naghintay hanggang sa dumating ang isang kotse. I was amazed in the car, damn. It is a black audi. The one that Jason Stathan is driving in the movie Transporter.
I've always want to drive a car like that. It is my dream car!
Dahil sa pagkahumaling ko ay hindi ko napansing tumigil ito sa harap ko at bukas ang driver's seat. Lumabas doon si Hilary.
Naka-white stripes fitted blouse, white shorts at suot niya ang kaparehong sapatos na suot ko.
Wow.
Unplanned matchy.
Pareho kaming natawa nang makita namin ang sarili namin.
"Oh bakit kayo tumatawa?"
"Ay Potek!" Bulalas ni Hilary.
Paano ba naman kasi bigla-bigla na lang sumusulpot si Hale, sino ba namang hindi magugulat doon.
"What?" Tanong naman ni Hale dahil sinamaan siya ng tingin ni Hilary saka binatukan at tuluyan nang pumasok sa loob ng kotse niya.
Pinaandar niya iyon pero nanatili siyang nakaupo sa loob ng driver's seat.
"What did I do?" Takang tanong naman ni Hale.
"Hala ka!" Sabi ko sa kanya kaya naman mula sa pagtataka napalitan ng pag-alala.
"Ano na namang ginawa mo Hale?" Tanong naman ni Edward.
"Pare-pareho talaga kayong mga lalake. Para kayong kabute." Sabi ko sa kanila at nilayasan.
Dinala ko yung bag ko at nilagay sa back seat ng sasakyan ni Edward. Saka ako sumandal pagkasara ko.
Now we are only waiting for the two.
"Bakit ang tagal nila Yuki at Nate?!" Iritadong tanong ko.
"Bakit kasi ang aga mong nagpunta dito? Loko ka kasi." Sabi naman ni Edward saka ginulo yung buhok ko. Tinabig ko naman ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
Project Mischief
Mister / ThrillerHilary Cervantes is a junior detective. She studies in Trinity High School in Herlucke. Multiple murder cases that appeared to be connected in each and every way but they can't figure it out, just yet. Meanwhile, a man that goes by the name of Blad...