Project Mischief 15 | Do Or Die

2.4K 65 4
                                    



Yan na yung new cover. Hindi ko alam
Kung permanent na yan o hindi pa dahil we'll never know baka may mag-send sa akin ng mas magandang cover diba? Tapos magustuhan ko gawin ko ng permanent yun.

Yang dalawang characters na yan is from K: Return Of Kings. Lagi kasi akong nanonood ng animax. Haha.

So! Okay haha.

Here's chapter 15 for you all.

Pinalitan ko lahat ng pangalan ng chapter kasi parang ni-re-reveal na nung mismong title yung mystery sa bawat kaso.

So i-ta-try kong habaan ang update ko dito sa chapter na ito. Okay?

Nanood kasi ako ng volleyball yung last game ng Spikers Vs. Eagles kanina tapos biglang pumasok sa isip ko so I decided na yun na yung gawin ko! So pakasaya kayo haha.

Baka mas mahaba na itong note ko kaysa sa chapter. I'll stop here na.

*

Hilary's Point Of View

Natapos ang PE namin at basang-basa ako ng pawis. Mukha akong hindi anak ng abogado sa itsura ko. Haist.

Lunch break na namin at kasalukuyan kong hinahanap si Ria o kahit si Yuki para sa kanila na lang ako manghiram ng damit. Kasi shet na malagket talagang nanlalagkit na ako sa suot ko.

Nakuha ko na rin yung gamit ko sa kotse ang kailangan ko na lang talaga ay damit na mahihiram.

Dahil hindi ko mahanap si Ria sa school grounds I decided na sa club room na lang ako maghintay tutal anytime naman ay pupunta na rin siguro sila doon.

Pagkabukas ko ng pinto.

"Anakkangtipaklong!" Napasigaw ako at napasandal sa door frame eksakto namang dumating siya sa club room at nang makita niya ang nakita ko ay namula siya kaya naman tumalikod na ito.

"Bibili lang ako ng lunch." Sabi niya at naglakad na papalayo.

"Hale, pa-request haha. Isang lasagna, libre mo na salamat!"
Sigaw ko sa kanya at bago pa siya makaharap ulit ay pumasok na ako sa loob at nagpameywang.

Naabutan kasi namin na naghahalikan si Ria at si Edward. My god! Kung hindi pa siguro kami dumating baka kung ano ng nangyari.

"Kayo na ba?" Tanong ko sa kanila with my serious mode on.

Nagtinginan muna sila saka sabay tumango.

"Gaaaaaaaah!!!!! Mga walang hiya kayo! Kailan pa?" Bulyaw ko sa kanilang dalawa.

Binigyan naman nila ako ng awkward smile at napakamot sila ng ulo.

"Kahapon?" Sabi ni Edward.

"Okay, mamaya na muna tayo mag-saya kailangan ko muna ng damit. Ria may extra kamg damit?"

"Ay meron yata saglit." Sabi niya at lumapit sa may cabinet.

"Hilary!" Tawag niya sa akin.

"Shorts lang ang nandito, nagamit ko na pala kahapon yung t-shirt ko." Sabi niya.

"Hiramin mo kay Ed, kung meron siya."

"Meron ka?" Tanong ko naman kay Edward.

"Babae ba ako? Babae ba?" Ayun, nakatanggap siya ng batok galing sa akin.

"Tanga. T-shirt." Sabi ko. Natawa na lang sa amin si Ria saka naupo sa tabi ni Edward sa sofa at inabot sa akin yung shorts.

Eksaktong bumukas naman yung pinto at iniluwa nun si Hale na may dala dalang pagkain.

Project Mischief Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon