Project Mischief 24 | Back Again

1.9K 59 0
                                    

Hello!

*

Project Mischief 24 | Back Again

*

Third Person's Point Of View

Ngayong araw na ito ang itinakdang pagsusuliy nina Hilary kaya naman todo scan sila ng notes at maaga pa lang ay nandirito na sila sa eskwelahan.

Kailangan nilang makapasa sa unang pagsusulit dahil kung hindi ay ililipat sila sa ordinary class. Katulad nga ng sabi ng admin ng paaralan.

Iba na ang patakaran dito. Magte-training sila ng mga future detectives na ang mismong pinakasikat na mga katauhan sa iba't ibang larangan ay ang magtuturo sa kanila ng mga bagay bagay na kakailanganin nila upang maging isang ganap na detective.

*

"Guys ano? Kamusta exam?" Tanong ni Edward sa mga kasamahan niya. Nandito sila sa club room nila at nagpapahinga ng utak. Katatapos lang ng mahihirap na subject at talaga namang pigang-piga ang utak nila.

"Tapos na yun. Pwede ba? Nakakasakit ng ulo mag-isip." Reklamo naman ng girlfriend niyang si Ria na kasalukuyang nakaub-ob sa conference table.

"Nagugutom ako." Wika ni Hilary habang sapo-sapo pa ang tiyan. Nakaupo siya sa single sofa.

"Ilan bang dragon ang nandyan sa tiyan mo Hilary?" Tanong ni Yuki na bahagyang tumigil sa paglalaro sa kanyang cellphone at di makapaniwalang tumingin kay Hilary.

"Di ko na nga alam e. Tara canteen?" Pag-a-aya nito sa mga kaibigan at tumayo.

Sumunod naman sila at nagpunta na sa canteen.

"Order na lang tayo ng buong pizza." Suggestion ni Ria.

"Dalawahin mo na tapos bilihan mo rin ako ng lasagna at ice cream." Sabi ni Hilary at nagbigay ng pera kay Edward at Ria na siyang toka sa pagbili ng pagkain ngayon.

"Takaw." Komento ni Hale na dinig na dinig naman ni Hilary dahil katabi lang naman siya nito.

"May sinasabi ka?" Sarkastikong sabi nito sa kanya.

"Wala."

"Yun naman pala e."

"Tss."

Nagpunta na sa counter sina Edward at Ria saka inantay roon ang order nila. Lumapit naman sa table nila ang ngayo'y guro na dito rin sa paaralang ito na si Grace Belikov ang russian girl na nakilala ni Hilary sa Helheim.

"Hilary. Pwede ba kitang makausap?" Tanong niya kay Hilary. Tumango naman ang dalaga at tumayo na roon.

***

Hilary's Point Of View

Nandito na kami sa may gilid ng canteen. Ano kayang pag-uusapan namin?

"Bakit mo ako gustong makausap Ate Grace?" Tanong ko sa kanya. Gutom na kasi ako at nagwawala na ang mga alaga ko sa tiyan.

Sana naman mabilis lang ito. Bulong ko sa isipan ko.

"Gusto ko lang sanang ibigay sa'yo ito." Sabi niya at may kinuha sa lab coat niya ang isang lalagyanan ng gamot. Ang gamot na hinahanap ko.

Project Mischief Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon