Project Mischief 10 | Scream Of Death II

2.4K 71 4
                                    



At dahil na-i-inlove ako sa cover ng story ginawa ko siyang wallpaper ng phone ko para lagi kong maalalang mag-update haha.

Here's the chapter!


Hilary's Point Of View

Nandito na ako sa hospital.

Kasalukuyang nasa harapan ako ng emergency room ng bigla itong bumukas at iniluwa noon ang isang nurse.

"Nurse." Tawag ko sa kanya kaya naman napalingon siya sa akin. Tinanggal niya ang mask niya kaya naman nakita ko ang maaliwalas niyaang mukha.

Para siyang anghel.

"Yes?"

"Kamusta na po yung pasyente sa loob?" Tanong ko rito.

"Kasalukuyan pa ring ini-stitch yung mga sugat na natamo siya mula sa mga saksak sa katawan niya." Pag-e-explain niya sa akin.

"Gaano pa po katagal iyan?" Tanong ko sa kanya.

"Malapit nang matapos hintayin mo na lang. Sige, mauna na muna ako. Mag-che-check lang ako ng ibang pasyente." Sabi niya at umalis na. I looked at her retreating form hanggang sa maglaho ito sa paningin ko.

Hindi naman nagtagal ay lumabas na yung doctor. I can tell dahil sa suot niyang damit.

Sakto namang dumating na sila.

"Saan kayo nagpunta?" Tanong ko, ang tagal kasi nila.

"Wala kaming pinuntahan. Dito ang destination namin. Kanina ka pa rito?" Tanong sa akin ni Yuki.

"Oo. Mga 10 minutes na ako dito sa hospital." Sabi ko.

"Halimaw." Bulong ni Edward.

"Halimaw na?"

"Halimaw ka magmaneho." Sabi niya sa akin and he nudged my shoulder kaya naman medyo napaatras ako.

Ang lakas kaya.

"Shut up." Sabi ko saka binigyan ng masamang tingin.

"Kayo ba ang pamilya ng pasyente?" Tanong ng doktor.

"Hindi po dok. Schoolmates niya po kami." Sabi ni Ria.

"Kamusta na po siya doc? Sabi nung lumabas na nurse kanina sinaksak daw siya?" Sabi ko rito.

Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko.

"Nurse?" Paninigurado niyang tanong sa akin. Tumango naman ako bilang sagot.

"Wala pang lumalabas na nurse sa emergency room. Ako pa lang ang unang lumabas." Naguluhan naman ako sa sinabi niya.

"E-eh sino yung?"

Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang putulin niya ito.

Nilabas niya ang cellphone niya at may pinakita sa akin na litrato.

"Siya ba yung nakita mo kanina?" Tumango akong muli because I can't find any words to say.

Project Mischief Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon