Project Mischief 33 | Head Of The Agency

1.6K 52 3
                                    



Third Person's Point Of View

Its already 9:00 in the morning at si Hilary at Leon Ramirez or should I say Leiro Zerani ay nandito na sa meeting place nila.

Napag-desisyunan ni Hilary na isama na lang siya dahil hindi niya pwedeng basta-basta na lamang itong iwan kasi baka hindi na siya nito balikan.

(Wait? Why in hell, those words came out differently? Anyways, mag-stick tayo sa literal na kahulugan ng mga salitang iyon k?)

"Bakit ba sinama mo pa ako rito? Baka mamaya may mahalaga ka palang i-mi-meet dito." Pag-re-reklamo ni Leiro kay Hilary na prenteng nakasandal sa hood ng kanyang kotse.

"Baka mamaya hindi na kita mahagilap sa kung saan. I still need answers." Sagot na lang ni Hilary sa kanya.

Nakasuot ng Black Rayban Glasses si Hilary na bumagay sa suot niyang damit.

Ayon sa text na ipinadala sa kanya ng Kuya niyang si Christian Cervantes ay ngayon daw nila makikilala ang head ng agency na ini-hire sila para mag-hanap sa taong nagtatago sa pangalang Blade.

Nasa loob lang ng kotse si Leiro dahil masakit daw sa balat kaya hindi siya lumalabas. Kita mo iyon? Siya lalake pero ang arte.

Di pa nagtagal ay dumating na ang isang Mitsubishi Lancer na kulay itim at nagparada sa tapat nila Hilary.

Bumaba doon si Edward, Ria, Nate at Yuki.

"Ang aga natin a?" Sita naman sa kanya ni Edward.

"Ayaw mo non?"

"Di naman. Di naman." May pa-iling-iling pang sagot nito kay Hilary.

"So..." Yuki was about to say something nang mapansin niya ang isang lalake sa loob ng kotse ni Hilary.

"Who is he?" Tanong niya at inginuso ang lugar na kinalalagyan ni Leiro.

"He's Leiro." Tipid na sagot ni Hilary sa kanya.

Nagkibit balikat na lang siya at hindi na nagtanong pa.

Ang tagal naman nila Kuya. Pagrereklamo ni Hilary sa kanyang isipan. Sanay naman na siyang maghintay pero wag ngayon dahil may balak pa siyang kumpirmahin.

Sana naman at madaling matapos ang so called meeting na ito.

She badly wants to end this, immediately.

--------

Ria's Point Of View

Nandito ulit kami sa Sarate Street sa bayan ng Helheim. Hindi ko alam kung bakit pero sabi sa text kanina, ipapakilala daw sa amin ni Kuya Chris slash Detective Christian Cervantes ang head ng agency na kasalukuyan naming  pinagsisilbihan.

Ang pinuno o nakatataas sa X Organization.

"Nasaan na ba si Hale?" Nauubusan na ng pasensya itong si Hilary dahil halos mag-a-alas diyes na ay wala pa rin ito.

"Aba malay. Baka on the way na iyon." Sagot na lang ni Edward kay Hilary.

Lumabas naman mula sa kotse ni Hilary yung lalakeng kasama niya.

Infairness... Ma-appeal siya. Ano nga ulit pangalan nito? Leiro. Oo tama Leiro.

Pamilyar ang pangalan niya. Pero hindi ko matandaan kung saan ko nga ba narinig iyon.

"Nagugutom na ako..." Reklamo nito kay Hilary.

"Edi kumain ka." Sagot naman ni Hilary sa kanya.

"Eh, naiwan ko nga yung pera ko sa kotse ko."

"Edi kunin mo."

"Sige uuwi na lang ako." Sabi nito at akmang aalis na pero pinigilan ito ni Hilary.

Project Mischief Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon