Project Mischief 38 | The Truth Never Told

1.6K 50 6
                                    



Hilary's Point Of View

Sabi ni Lance, yung kotse daw ni Yuki ang gagamitin namin dahil may sumusunod daw sa amin. Sabi niya sa akin, ito raw ay isang napaka-importanteng misyon dahil ang taong nagpa-kidnap sa akin ay kailangang kailangan na akong makausap dahil meron itong mahalagang sasabihin.

Nang sinasabi niya ang mga katagang iyon ay hinawakan ko ang kamay niya sa bandang may pulsuhan at saka ko siya tinignan ng diretso sa mata if his pupils dilate he is obviously lying.

And prosesong ginawa ko ay isa sa mga paraan para malaman mo kung nagsisinungaling ba ang isang tao o hindi. If his or her pulse rate quicken and his pupils dilate at the same time. Obviously that person is lying.

In his case. Hindi siya nagsisinungaling. So here we are on our way to Helheim. Hindi ko alam kung bakit palaging doon na lamang kami nagpupu-punta.

Just as what he expected ang sinundan na kotse ni Kuya. Well napagaalaman ko kasi mula kay Lance na siya pala ang sumusunod sa amin. Mabuti na lamang at hindi niya ako nakita. Ayaw ko pa muna siyang makit dahil simula nang malaman kong ipinakidnap niya ako. Parang nawalan na ako ng gana pang magtiwala sa kanya.

Kahit hindi niya pa alam na alam ko na na ipinakidnap niya ako at pinaturukan ng pampalimot.

Nandito na kami sa harap ng isang malaking mansion. Bumusina si Lance sa tapat ng gate at ibinaba ang windshield kaya naman agad siyang nakita nung gwardiyang nakapost sa harapan.

Bakit feeling ko hindi ito basta basta at ordinaryong mansion lang? At ang kutob ko ay tuluyan na ngang naging totoo dahil pagkabukas nung gate ay parang may passage way ang nga sasakyan pababa. Parang basement parking lot.

"Anong lugar ito?" Tanong ko kay Lance na nagpa-park na ng sasakyan.

"This place Hilary is one of the hideouts of Interpol." What the heck? Interpol? Interpol? As in Interpol.

"Ano namang ginagawa natin dito?"

"Ganyan ka ba talaga? Puro tanong? You'll know when we get there." Sagot niya lang kaya naman nanahimik na lang ako. Alangan naman at magsalita pa ako? Saan na lang tutungo ang usapan? Sa wala? Hayst.

Bumaba kami ng sasakyan at nagsimula na siyang maglakad kaya naman sinundan ko lang siya eh sa hindi ko naman kasi alam ang mga pasikot-sikot dito sa paligid nitong hideout nila. Napatigil ako sa pag-lalakad dahil may elevator sa harapan namin, pinindot niya yun at bumukas naman yung elevator kaya pumasok na kami. He pressed the top floor.

Top floor? So it means nakatataas or isa sa nakatataas ang imi-meet ko. Pero I'm still wondering kung bakit ako kailangang makausap ng taong iyon. Pero bakit nga ba? Aish! I'm just stressing myself thinking of which is which mahintay na lang ako kapag panahon na talaga. Hindi naman ako nagmamadali e. Pero on second thought, nagmamadali ako.

I still have to find out everything about Harry and Jaime. About the tattoo's I saw in their wrists.

Ting!

We arrived on the top floor and the elevator opened. Eksaktong opisina na agad pagkabukas na pagkabukas ng elevator. Nakatalikod pa ang swivel chair at nakakasigurado akong mayroong taong nakaupo roon dahil may naririnig akong tunong ng mga papel na naililipat-lipat it was as if she is studying a file of about something er.

"She's here, ma'am." Sabi ni Lance kaya naman dahan dahang humarap yung upuan. At napanganga naman ako nang makita ko kung sino nga ba itong nasa harapan ko.

"Mama?" Tanong ko pero obvious naman na siya nga iyon. Tumayo siya at lumapit sa akin at niyakap niya ako. I was supposed to be mad at her. For leaving me behind with my father and my annoying brother. Er.

Project Mischief Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon