Project Mischief 32 | Leon And Leiro

1.7K 51 11
                                    



Hilary's Point Of View

Nagising ako dahil sa tunog na nagmumula sa telepono. Iritado kong kinuha iyon at sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Hilary. Be ready at 9 am. Pumunta kayo sa Helheim doon sa bahay kung saan ko kayo dinala noon. Gusto kayong makilala ng head ng agency." Litanya ng isang pamilyar na boses mula sa kabilang linya.

"Kuya? Ikaw ba to?" Lutang kong tanong sa kanya.

"Aish! Hilary umayos ka nga! It-text ko na lang sa'yo ang mga detalye." Sabi nito at ibinaba ang tawag.

Humiga akong muli sa kama at pinilit na matulog ulit. Pero no avail. Bwisit. Panira ng tulog si Kuya!

Tinignan ko ang digital clock na nakapatong sa bed side table ko and 5:48 pa lang ng umaga.

Isang malaking Punyeta talaga! Kung makapang-gising akala mo 1 minute kailangan nandun na agad. Atat lang?

Kainis.

At dahil hindi na ako makatulog ay bumangon ako mula sa pagkakahiga alangan naman kasing sa pagkakaupo diba? Parang tanga naman nun.

Umupo ako sa kama, isinandal ang likod sa headrest na nilagyan ko ng unan at inabot ang laptop ko sa left part na parte ng kama ko sa ibaba ng unan.

Nandoon ang cellphone ko pati ang ipad ko. Eh sa hindi ako makatulog ng di sila katabi e.

At dahil hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako ng thought na maaaring buhay pa si Leon.

In-open ko ang site ng CIA kung saan pwede mong makita lahat ng informations tungkol sa isang tao.

I typed Leon Ramirez.

At mayroong lumabas pero bata pa ang litrato niya roon at may malaking pulang stamp ang nagpakita roon na may nakasulat na 'DECEASED'.

Impossible pa rin.

Para namang seryoso yung pagkakasabi nung Dennis Laurico na yun na Leon Ramirez nga ang pangalan nang nag-utos sa kanila para isagawa ang hostage taking.

Mahirap pa rin paniwalaan. Nandoon kasi ako nang magluksa ang mga magulang niya. Nandoon ako nang mga oras nangumangawa si Tita dahil sa pagkamatay niya.

Napakaumposible kung iisipin mo.

Pero sa mundong ginagalawan natin ngayon parang lahat yata ng imposible nagiging posible na. Kaya hindi malayong mangyaring buhay pa siya.

Baka pinagtakpan at pinasinungalingan lang nila Tita at Tito ang pagkamatay ni Leon.

Aish! Mamaya na nga ako mag-iisip.

Sinarado ko na ang laptop ko dahil mukhang wala naman akong makukuhang impormasyon mula sa site na iyon.

Ang buong akala ng mga tao ay patay na ang isang Leon Ramirez.

Naligo na ako kahit maaga pa lang. Medyo mainit init naman ang pinan ligo ko dahil baka mabigla ang katawan ko.

After kong gawin ang mga ritwal ko tuwing umaga. I settled myself in a blue off shoulder and black skinny jeans and paired it with white converse.

Bibisitahin ko muna si Leon sa puntod niya.

And if ever may time ako. Mag-f-file ako ng case para mayroon akong record at mapahukay ko ang himlayan niya.

Gusto kong makasigurado na hindi nga siya ng naririto sa ilalim ng lupa. Na totoong buhay nga siya.

Mag-aalas siyete na ng umaga nang makapunta ako sa Freya's View Memorial Park. Sa memorial park na ito nakalagak ang mga bangkay niya. Or not?

Project Mischief Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon