Project Mischief 31 | The Ghost Of The Past

1.6K 56 4
                                    



Hilary's Point Of View

HINULI na nila ang mga suspect para sa interrogation. Si Demian ay nandoon kasama nina Ria, pinakiusapan ko si Ria para bantayan muna siya.

Kasalukuyan akong nandito sa loob ng kotse ko. Pinupunasan ko yung kamay ko dahil may dugo pa ito.

Remember? Hawak-hawak ko yung part kung saan nadaplisan ako ng bala kaya yun, punong puno ng dugo.

Nasa kalagitnaan na ako at malapit na sana akong matapos nang biglang bumukas ang shotgun seat.

Napatingin agad ako kung sino. Si Hale, and he doesn't look happy. Nakatingin siya ngayon sa sugat ko.

Hindi ko na lang pinansin at pinagpatuloy ang pag-lilinis ng sugat ko.

Idadampi ko na sana yung bulak nang bigla niya iyong hablutin.

"Bakit hindi mo sinabing nadaplisan ka pala?!" Inis niyang sabi.

"Daplis lang naman yan. Malayo sa bituka." Pag-dedepensa ko.

"Kahit na. Sana sinabi mo pa rin." Pilit niya.

"Eh kanina nandoon pa tayo sa loob, at may hawak na baril yung isa sa kanila baka malingat ka lang sandali magpaputok siya." Sabi ko sa kanya.

"Ganon na ba talaga ang tingin mo sa akin Hilary?" Sabi nito at medyo napadiin sa pagdampi ng bulak sa sugat ko kaya naman napadaing ako pero nag-sorry naman na siya agad.

"Hindi naman sa ganon pero---"

"Pero iyon ang pinaparating mo." Pag-putol niya sa akin at nilagyan na ng bandage ang sugat ko.

"Wag na sanang mauulit to Hilary." Seryoso niyang sabi.

"Hindi na," sabi ko habang umi-iling pa.

***

Kasalukuyan naming kinakausap ang iba pang guro para malaman kung bakit at ano ano ang mga pwedeng dahilan ng pang-h-hostage sa kanila.

Lumapit ako kay officer Dave dahil siya ang may hawak ng mga information tungkol sa mga taong sangkot sa hostage taking na ito.

"O napano yan?" Tanong niyo habang inginunguso ang bandage sa braso ko. 

Nakuuu. Kung hindi lang ito matanda sa akin pinatulan ko na ito. Gwapo e.

"Nadaplisan lang." Sagot ko sa kanya.

"Ito nga pala yung mga records ng suspects natin." Sabi niya at inabot ang isang folder kung saan nakalagay ang profiles nila.

Ang Teacher, o nagpanggap bilang isang teacher ay si Dennis Laurico. Isa talaga siyang licensed teacher at nakapasa pa ng LET. Bago rito ay mayroong stable job.

Pero anong motibo niya para gawin ang krimen na katulad nito?

"Nakuhanan na ba siya ng statement?" Tanong ko sa kanya.

Umiling siya bago nagsalita.

"Hindi pa nakukuhanan ang lahat ng suspect ng statements nila. Tinanong lang sila kung sino-sino sila. Pero... Kung gusto mo ay ikaw na ang magtanong sa kanila."

Sumang-ayon naman agad ako.

Pinuntahan namin ang mga suspect sa isang sasakyan dahil doon sila nilagay.

"Uunahin ko na si Dennis Laurico." Anunsyo ko kaya naman tinawag na nila ito.

"Hindi ko gustong nagpapaligoy-ligoy, kaya gusto kong sagutin mo ang tanong ko. Sino ang mastermind niyo?" Diretsahang tanong ko sa kanya.

Project Mischief Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon