Hilary's Point Of ViewKasalukuyan ang Battle Of The Bands pero here I am. Sneaking to the schools' office. Buti na lang at madilim at saka walang nakakabit na cctv dito sa likurang parte ng office. Meron din kasing back door ito kaya naman pwede akong pumasok doon by picking the lock.
Nang matapos kong i-pick ang lock ay dahan-dahan akong pumasok pero eksaktong pagkasara ko ng pinto ay bumukas ang ilaw ng office.
"Fuck." Mahinang mura ko atsaka humarap at mas lalo pa akong napamura nang makita kung sino nga ba ang nagsindi ng ilaw.
"Anong ginagawa mo dito Paris?!" Inis kong tanong sa kanya pero at the same time ay nakahinga ako ng maluwag dahil siya lang pala ang nagbukas ng ilaw.
"Tutulong ako sa paghahanap mo, you see masyadong marami ang mga papeles na nandito sa dami niyo ba namang estudyante ng Trinity High." Sabi nito at nagsimula nang magbukas ng mga drawers. Ang hirap kasi rito sa office ng Trinity High ay walang nakalagay na specific na place na kung anong section mo ay dito sa drawer na ito nakalagay ang files mo. Walang ganun. Kaya naman talagang pahirapan itong paghahanap namin.
"But how did you...?"
"Paano ako pumasok? Simple lang, hiniram ko kay Mang Delfin. Yung janitor niyo. Hiniram ko sa kanya yung susi." Sabi lang niya at pinagpatuloy ang paghahanap sa drawer na binuksan niya at nang wala siyang makita roon ay nagbukas siyang muli ng isa pang drawer.
"The heck. Naghirap pa akong mag-pick ng lock ng pintong yan. Bwisit." Inis kong sabi sabay napasapo ako sa aking noo. Pinapahirapan ko lang pala ang sarili ko kanina. Walang hiya naman e.
"Instead na mainis ka dyan at magreklamo, tulungan mo na lang ako sa paghahanap." Sabi niya habang nagb-browse sa mga folder na nakasalansan sa loob ng drawer na binuksan niya.
"Yes ma'am!" Sabi ko at sumaludo pa. Nagsimula na rin akong maghanap sa mga drawers na nandito. Kung bakit ba naman kasi wala sa ayos ang mga files dito eh. Katangahan naman. Hala. Secret lang natin ito ah? Wag niyo sasabihin kay Ate Alessandra.
Habang naghahanap kami ay nag-uusap lang kami sa mga bagay-bagay para naman hindi kami matuyuan ng laway.
"So bakit mo pinapahanap ang records nung dalawang iyon? Ano na nga ulit ang pangalan?" Tanong niya sa akin.
"Hindi mo bagay maging detective Paris, ang makakalimutin mo! Harry Ledesma at Jaime Morayta. Halos nakakalahata mo na ang drawers sa pwesto mo tapos hindi mo pala sila kilala. Jusme." Mahabang litanya ko and I can feel her rolling her eyes at me.
"Okay... Hilary I think this is it." Sabi niya habang kinuha ang isang folder mula sa pinaghahanapan niya na drawer.
"Ito yung sa Harry Ledesma na sinasabi mo." Sabi niya at inabot sa akin yung folder pagkatapos niyang tignan uyon.
Name: Harry Ledesma
Age: 14
Address: Fronto Street, Herlucke Bldg. 1357
Previous School: Macro Montessori
Records: Top Achiever. Best in Computer. Math and English.
Mother: Hannah Ledesma (deceased)
Father: Larry Ledesma (deceased)
Siblings: none
Parent/ Guardian: none
Ganyan lang ang makikita mo dito sa folder. Its useless.
BINABASA MO ANG
Project Mischief
Mystery / ThrillerHilary Cervantes is a junior detective. She studies in Trinity High School in Herlucke. Multiple murder cases that appeared to be connected in each and every way but they can't figure it out, just yet. Meanwhile, a man that goes by the name of Blad...