Project Mischief 39 | The Judgement Day

1.7K 46 4
                                    



A/N: Hello, Hello. Readers! Malapit ng matapos ang istoryang ito at dito pa lang nagpapasalamat na ako sa mga sumubaybay at sa mga naghihintay ng update jan. Thank you! Pinagiisipan ko pa kung gagawa ako ng book two or hindi na. Yung ending kasi e haha wait #spoileralert — para kasing tuldok na yung ending tapos na end na doon, wala ng kasunod pero if ever na maisipan ko talaga, gagawa ako. Sana nag-enjoy kayo sa pagbabasa at sa pagsubaybay sa journey ng buhay ni Hilary. 


-------------


Third Person's Point Of View


Katulad nga ng sinabi ng mama ni Hilary na si Harriette Evans, oo Evans dahil iyon naman talaga ang apelyido nito simula't-sapul. Wala itong asawa, at hindi rin niya totoong asawa si Arthur Cervantes. Pinapunta ni Hilary ang buong Hidden Chronicles sa hideout na iyon ng Interpol.

Hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang nanay ni Hilary na siyang kasalukuyang in charge sa misyong ito. Binigyan niya sila ng isang buwan. Isang buwan para mag-ensayo at matuto sa kung ano nga bang pasikot sikot tungkol sa La Friones Mafia at malaman na rin nila kung sino nga ba talaga ang taong nasa likod ng pangalang Blade na siyang puno't dulo ng mga krimeng nangyayari sa bayan ng Herlucke.

Ipinadala sila sa isang private island na eksklusibo lamang sa mga agents ng Interpol. Doon sila mananatili sa buong isang buwan hanggang sa matutunan na nila ang dapat matutunan. Malaman ang dapat nilang malaman.

"This training will not be easy. And I know that you already know it. We will push you to your limits because we don't have much time left. Paghusayan niyo." Yan ang mga eksaktong katagang sinabi ng kanyang ina sa kanila bago sila umalis roon at pinadala sa pribadong isla kung saan sila mananatili at magt-training.

Mabilis na nagdaan ang isang buwan at hindi nga naging biro ang pinagagawa sa kanila roon. Pinahirapan sila ng husto pero siguradong marami silang natutunan sa isang buwan nilang tumuloy doon. Hindi naging madali ang mga pinapagawa sa kanila, bawat araw pahirap ng pahirap ang mga tasks na ginagawa nila. Kailangan nilang ma-enhance ang strength, ability of their mind, at mas mapagana ang senses nila.

Nandyan ang pinalangoy sila sa dagat ng isang oras na walang tigil. Pinag-push-ups habang sumisisid sa dagat, at kapag hindi mo iyon ginawa ng tama ay inilulublob nila ang ulo mo sa dagat. Araw-araw silang pinag-j-jogging sa paligid ng islang iyon. Tinuruan silang gumamit ng baril at kung paano ang tamang pag-asinta non.

Nakablindfold sila at magsasalita ang isang tao at kailangan nilang idetermine kung nasaan nga ba itong parte, nag-match din sila ng iba pang agents on training na nandito habang naka-blind fold sila. Para kay Hilary ito ang pinakanaging mahirap, ilang ulit siyang sumabak sa ganitong ensayo hanggang sa naperpekto na niya.

Pinakita rin sa kanila at pinagaralan nila ang tungkol sa mga iba't ibang chemical engineering na naimbento nila. Isa roon and Cardiac Pen.

Ang Cardiac pen ay isa lamang sa napakaraming chemical engineering na naimbento nila. Isa itong ballpen pero kapag in-un attach mo yung lid niya sa taas makikita mo roon na hindi tinta ang laman noon kung hindi isang poison. Ang poison na iyon, harmless when ingested pero once na ibinaba mo yung hawakan niya ay ang taong nakainom noon ay makakaramdam ng parang burning sensation sa puso niya and soon will lead that man to death. Isa iyon sa pinakadelikadong chemical engineering na naimbento nila and only a few have those.

Tapos mayroon ding kung titignan mo ay parang simpleng lighter lang pero isa talaga iyon hand grenade. Mas malakas ang explosion coverage niya kaysa sa orihinal na granada. Delikado ito dahil 5 seconds lang ang covered time nito bago sumabog.

Isa pang klase ng pampasabog ay ang Kiloton Detonator. Isang pabilog na granada na ang tanging paraan para ma activate ay it-twist mo yun sa magkabilang side. Hindi siya agad sasabog. Tapos kapag naka-contact iyon sa isang concrete object at malakas ang naging impact ay isang napakalakas na pag-sabog ang mangyayari.

Project Mischief Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon