Project Mischief 40 | The Reason Behind Everything

1.9K 48 2
                                    



Still Hilary's Point Of View

".... Let me first tell you a story."

Sabi niya at kumuha ng isang monobloc and only god knows where. Saka siya pumwesto sa harapan ko, si Leiro naman ay tahimik lang na pinapanood kami.

"Interesting watch." Sabi niya kaya naman napatingin ako sa relong suot ko. At naalala ko naman ang ginawa sa akin ni Demian may-suot rin kasi siyang ganitong relo. Alam kong bata pa siya at wala pang kaalam-alam sa nangyayari sa mundong ito, pero kailangan ko siyang pagkatiwalaan.

Pilit kong iniikot yung kamay ko para mapindot yoong relo at yun na agad ko ng mako-contact si Demian na hindi mahahalata nitong si Jace.

"Kahit anong pilit mo, hindi ka makakaalis jan. Masyadong mahigpit ang pagkakatali ko sa'yo." Sabi niya pero hindi pa rin ako tumigil hanggang sa hindi mapindot yun.

At di pa nagtagal ay nagtagumpay na ako. Kaya naman ini-relax ko na ang katawan ko at diretsong tumingin sa kanya.

"What story?" Tanong ko sa kanya.

"Oh yeah. Yeah." Tila naman natauhan siya at nagsimula ng magkwento. Ako lang ba? O talagang napaka-cliché talaga kung paano niya sinimulan ang kwento niya.

"Once upon a time, mayroong isang scientist. Isa siyang napakahusay at dedicated na scientist. Mahal na mahal niya ang trabaho niya kahit napakahirap nito para sa iba. His works, marami siyang natulungang tao, mga pamilya, dahil sa trabaho niya. Hindi siya kailanman naging madamot. At alam mo bang hindi lang siya basta-bastang scientist? He was also a doctor. Kaya sa bayan nila siya ang takbuhab kapag nagkakasakit ang mga tao, mapa-bata man yan o mapa-matanda. Wala siyang pinipiling tao para tulungan." Sabi niya. And here I was wondering what happened next at kung sino nga ba ang tinutukoy niyang scientist na iyon.

"That scientist have three sons and a daughter. Isang araw, nagpunta ang mga tao sa bayan nila. Pinagbibintangan siya sa kasalanang hindi niya naman ginawa. Mayroong isang lalake na nagdala sa kanya ng isang bata. Malubha na ang karamdaman nito at wala ng pag-asang mabuhay. Kung tutuusin, that kid does not even have a day to live anymore but he gave that man his greatest invention." Greatest invention? Ano naman kaya yun?

"Ang greatest invention niya na sinasabi ko ay ang isang gamot na makapagbibigay ng lakas at sigla and even an extention of life ng isang tao. Nagpasalamat iyong lalake, sinubukang bigyan ng babala nung scientist yung lalake pero hindi siya nakinig. At makalipas nga ang isang buwan ay galit na galit na bumalik iyong lalake doon at sinisisi niya iyong scientist sa pagkamatay ng anak niya. Sinisisi niya ito sa kasalanang hindi naman niya ginawa kahit ang tunay lang na nais niya ay ang makatulong. Ang unfair ng buhay diba?"

"That guy, poisoned the mind ng lahat ng tao sa bayang iyon, kaya naman they tirned against him, the scientist, and they burned down his house. Sinabuyan nila iyon ng gasolina at sinindihan. His family is inside, his sons and daughter are crying dahil sa sobrang takot. Ang asawa niya naman ay pinipilit lang na pigilan ang luhang nagbabadya at pinilit na maging matatag para sa mga anak niya.

"Napapalibutan ng apoy ang bahay nila kaya naman imposibleng makalabas pa sila. He tried to call for help. Yoong mga taong natulungan niya at ng pamilya niya ay nanatili lamang ba nakatayo doon at walang ginagawa. Mga wala silang kunsensya. Hinayaan nilang lamunin ng sunog ang pamilya ng taong nakatulong sa kanila. Pero ang hindi alam ng mga tao ay buhay ang tatlong magkakapatid na lalaki pero ang kapatid nilang babae ay kasalukuyang nawawala. Nailabas sila ng mga magulang nila but they did not manage to save themselves. The three sons promised to themselves na kahit anong mangyari ay ipaghihiganti nila ang kapatid nilang kasalukuyang nawawala at ang pagkamatay ng mga magulang nila." Pagtatapos niya sa istoryang hindi ko alam kung paano naging konektado sa mga pagkamatay ng mga tao dito sa bayan ng Herlucke.

Project Mischief Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon