Inulit ko itong buong chapter na ito. Isasali ko sana ang pizza rito at mapo-poison ang mga biktima pero siyempre masarap ang Pizza kaya ayaw kong dungisan ang pangalan ng pizza.So I construct a different murder case though feeling ko parang may kulang. Judge it na lang para may madagdag ako if mapag-planuhan kong mag-edit.
Okay. That's all sana magustuhan niyo ang chapter 19.
*
Hilary's Point Of View
Kasama ko ngayon dito sa Pizzeria si Hale. Siyempre may utang siyang isang box ng Hawaiian Pizza sa akin kaya nandito kami ngayon.
Sunday ngayon. Nakauwi na rin kami galing sa Helheim kaninang 10 ng umaga. Mag-a-ala una na ng hapon ngayon. Balak kong dumeretso mamaya sa simbahan para magsimba kapag tapos namin kumain dito.
Inuwi ko na rin muna si Demian at nakausap ko na rin si Papa about sa kanya.
Akala ko hindi siya papayag when he showed me 'the face' pero bigla siyang ngumiti and he said he is ecstatic to have a child again in the house. Sawa na raw siyang puro matatanda na ang kasama feeling niya daw mas bumibilis ang pagtanda niya.
Natawa nga ako nang sabihin niya iyon e. Makikita mo talaga kung gaano siya kasaya.
Tahimik kaming kumakain ngayon ni Hale dito sa pizzeria. Walang umiimik sa amin, masasabi ko na nga na parang isa itong awkward date. Wait. Did I just say date?
No. This is definitely not a date.
Magsasalita na sana ako to break the silence pero biglang nag-ring ang phone ko na kasalukuyang nakapatong sa lamesa.
Tinignan ko yong caller ID and then I saw Inspector Escobar on the line. I answered it.
"Hello inspector."
Pagkarinig na pagkarinig ni Hale sa salitang Inspector ay agad siyang napalingon sa akin na parang nagtatanong. So ni-loud speaker ko yung call para marinig din niya.
"Hilary, pumunta ka dito sa Greenville subdivision. ASAP. Hanapin mo kami dito."
"Papunta na inspector." Sabi ko at ibinaba ang tawag.
Manghihinayang pa sana ako doon sa mga pagkain namin na iiwan pero naipa-wrap na agad ni Hale iyon. Kaya naman agad agad na kaming lumabas. Si Hale na ang nag-drive and damn! I will never let him drive with me on the passengers' seat, he is a monster.
Hindi na talaga ako magtataka na kaugali niya si Tartarus.
"Next time," I said as we pull over the side of the road when we reached the place Inspector told us to go.
"I get to drive." Sabi ko. Napangisi na lang siya and I rolled my eyes saka sabay kaming lumabas sa kotse.
Agad naman kaming sinalubong ni Inspector Escobar.
"O, Hale. Mabuti at nakapunta ka rito." Sabi nito at tinapik pa ang balikat ni Hale.
"Kasama ko si Hilary kaya dumeretso na kami rito. Alam mo naman Ninong, interesado ako sa mga kaso." Sabi niya kay Inspector Escobar.
"Teka nga. Magkakakilala kayo?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
"Oo. Inaanak ko ng binyag itong si Hale." Sabi ni Inspector Escobar kaya napatango na lang ako.
Sakto namang dumating si Officer Dave. Si Officer Dave ang kanang kamay ni Inspector Escobar kaya naman present siya sa lahat ng mga kasong si Inspector ang umaasikaso.
"Dalawang mag-asawa natagpuang patay sa living room ng kwarto nila. May natagpuan ding drugs at mga aparato sa pag-gamit ng droga sa lamesa kung saan mismo sila natagpuang patay." Panimula ni Officer Dave.
BINABASA MO ANG
Project Mischief
Mystery / ThrillerHilary Cervantes is a junior detective. She studies in Trinity High School in Herlucke. Multiple murder cases that appeared to be connected in each and every way but they can't figure it out, just yet. Meanwhile, a man that goes by the name of Blad...