Prologue

5.6K 110 11
                                    

"Hmm hmm hmm" mahinang pag hum ko habang nakikinig ako sa music na nakaplay sa earphones ko at pinapa sway-sway ang dalawang garbage bag na bitbig ko.

" Naniniwala na ako sa forever! Mag mula nung nakilala kita" sabay ko dito habang nilalagay ang dalawang bag ng basura sa basurahan na hindi kalayuan sa restaurant na pinag-tratrabahuan ko.

Napa hawak naman ako sa balakang ko nang makaramdam ako ng pag kirot nito.

"Hay! Makakauwi narin ako sa wakas!" Masayang sambit ko habang nakapikit at nag inat-inat pa.

Agad na napakunot ang noo ko nang may mapansin akong lalaking naka hoodie di kalayuan sa harap ko saktong pagka mulat ko ng mata ko.

Dahan dahan akong lumapit dito habang tinitingnan kung ano ba talaga ang ginagawa nito.

Napahawak ako sa bibig ko para pigilin ang pag alpas ng sigaw ko nang makita ang babaeng duguan ang parte ng leeg kung saan naka baon ang mukha ng lalaki.  Dahan dahan akong naglakat paatras at akmang tatakbo nang mabunggo ako sa isang bagay dahilan para matumba ako.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang isang lalaking naka hoodie at hindi kita ang mukha dahil tinatabunan niya ang ilaw.

Naka hoodie?

Agad akong napalingon sa likuran ko at napansing wala na doon ang lalaking naka baon ang mukha sa babaeng duguan. At parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang ma realize kong iisa lang pala sila ng lalaking naka tayo ngayon sa harap ko.

Sinubukan kong tumayo para maka takbo pero dahil sa sobrang panginginig ng tuhod ko dulot ng takot at natutumba ako. Halos lahat na siguro ng santong kilala ko ay natawag ko na at hiningian ng tulong.

"I can smell your fear little girl"  napatigil ako nang marinig ang malamig at malalim nitong boses na nagpatayo ng balahibo ko sa batok.

Napalunok ako at nilakasan ang loob ko para mag salita.

"Sino ka?!"

Dahan dahan itong nagsimulang maglakad.

"Me?" At sa isang pagkislap ko ng mata ay wala na ito sa harapan ko.

Hindi ko alam kung saan ako titingin habang gumagapang paatras mula sa kung saan kanina nakatayo ang lalaki. Pero parang tumigil ang tibok ng puso ko nang mabunggo ako sa isang bagay sa likod ko.

"I am your worst nightmare" napapikit ako at nagsimulang umiyak nang bumulong ito sa tenga ko mismo. At bago pa ako makapag salita at naramdaman ko ang sakit ng pag baon ng kung ano mang bagay sa leeg ko.

Napasigaw ako sa sakit at sinusubukang alisin ang ulo niya sa leeg ko hanggang sa uni unti na akong nauubusan ng lakas at bago ako mawalan ng ulirat ay narinig ko ang bulong niya.

"Mate"

-Nostferatu-

R E A D ✘

✘ V O T E ✘

✘ C O M M E N T ✘

✘ F O L L O W M E ✘

NosferatuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon