One

262K 3.8K 306
                                    

°o.O One  O.o°

Alex POV

"Alex  bangon na !' sigaw ni Mommy   na nagpagising sa aking masarap na tulog . May kasabay pa iyung kalampag sa  pinto ng kwarto ko.

"Mommy naman ang aga -aga pa!"  balik na sigaw ko kay Mommy.  Nakapikit pa ang aking  mapupungay na  mga  mata  at wala pa talaga akong balak na bumangon. 

" Hindi pwede first day mo ngayon sa bago mong  papasukang University!" pasigaw na sagot  ni Mommy habang pababa siya ng hagdan.  Rinig na rinig ko hanggang dito sa loob ng aking kuwarto ang kanyang mga papalayong yapak. Inis na ginulo ko ang buhok kong sabog-sabog na dahil sa kalikutan ko sa pagtulog at sumulyap sa  red heart shape na  alarm clock na nakapatong sa bedside table. Alas sais pa lang ng umaga at mamayang ten pa ang pasok ko. Napangiti ako nang bahagyan nang masulyapan ko ang katabi n'un na  picture frame. Ang picture ng paborito kong cartoon character na si  Doraemon.

Kahit medyo naiinis pa ay  bumangon narin ako.  No choice kasi alam kong bubulabugin lang uli ako ni Mommy kung magtatagal pa ako sa aking napakasarap na tulungang kama.  Wala sa sariling pumasok ako ng banyo at  naligo.  

 Punas ng towel sa buhok at buong katawan para matuyo ang basa kong katawan.

  

Labas ng banyo

 Hanap ng  OOTD sa magulo kong closet.

Wala akong balak pomorma kaya  Doraemon na shirt and black tight jeans lang ang isinuot ko then my chuck to complete my get up. Ewan ko ba naman kina Mommy kung bakit naisipan na ilipat ako ng University eh masaya na nga ako sa PUP Santa Mesa. By the way second year pa lang naman ako sa kurso kong architecture. kaya isang taon pa lang naman ang hindi ko na itake sa bagong University na pinaglipatan sa akin nila Mommy. 

Suklay ng aking mahaba at makintab na buhok. I love my hair kasi may pagkacurly ang dulong bahagi nito na gusting-gusto ko.

 Kunting polbo walang make-up o lipstik. Naniniwala kasi ako ng forty percent sa kagandahan ko at sixty percent ay self-confidence. Aanhin nga naman ang kagandahan kung walang self-confidence , diba?

  

Kuha ng sling bag at bumaba na ako.

 " Mommy bakit  ang aga-aga mo namang manggising?" reklamo ko sabay upo sa harapang upuan n’ya  sa dinning table. Kumuha ako ng itlog, hotdog at sinangag . Nilagay ko sa plato at nag-umpisa na akong kumain.

"Kasi baby first day mo. Baka mahirapan ka pang maghanap ng  mga classrooms mo at malate ka pa sa mga first subject mo" paliwanag ni Mommy habang nagtitimpla naman s'ya ng kape.

 Napasimangot ako sa sinabi ni Mommy. " Mommy naman eh hindi na ako baby !"

   

My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/PastrybugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon