****Nine****
Alex POV
Yes! Salamat po God tapos na ang klase ko. Friday na at wala akong pasok ng Saturday.
Ang saya -saya ko two days rin akong mapapahinga.
Two days din na hindi ko makikita si Mr. Sungit at hindi n’ya ako mauutusan.
Ano kayang gagawin ko sa weekends?
Hmmmm. Matutulog , kakain at magbabasa ng mga novels ni Abbi Glines . Last Tuesday dumaan ako sa bookstore at bumili ako ng novel n’ya na Forever Too Far . I loved Rush sobrang nakakain-love sya.
Yippeee! Ngayon pa lang excited na ako. Makapagrerelax akong maigi.
"Kung may plinaplano kang gagawin bukas, huwag mo nang ituloy " putol ni Vincent sa pagplaplano ko ng weekends .
May matatalim na tingin na bumaling ako sa kanya . Nasa tabi ko s’ya at nandito kami sa bench na nasa ilalim ng isang malagong puno ng acacia sa may botanical garden ng university. Wala pa silang balak na magkakaibigan na umuwi kaya nagpapahangin muna kami dito . Mga nature lover yata ang mga pogita. Si Sam kakwentuhan si Matheo, si Ian may chicks na kasama. Maan ang name at taga college of HRM. Si Tommy pumunta ng CR at si Caden tahimik na nag fafacebook sa cellphone n’ya.
At itong katabi kong si Vincent nakapikit . Akala ko tulog 'yung pala nagplaplano na naman ng iuutos sa akin.
"I'm sorry . Anong sabi mo?" nagtatakang tanong ko.
He opened his eyes and looked at me.
" Sabi ko kung may gagawin ka bukas, ipagpaliban mo muna" expressionless na sabi nya.
WTF! Paano na ang novel na gusto kong basahin?
Paano na ang kama ko , mamimiss ako.
Wala na ang pagrerelax na plano ko.
Gustong sirain ng mokong na ito ang aking weekends.
"At bakit?" tanong ko sa kanya. I can't believed this. Mukhang tama ako na kabilang sa lahi ng mga vampire itong si Vincent eh. May power s’yang basahin ang mga iniisip ko . Grabee na man, ipinanganak ba s’ya para pahirapan ang beauty ko?
"Kailangang pumunta ka bukas sa condo ko para maglinis at maglaba" he answered .May nababanaag akong pagkatuwa sa mga mata nya.
Siguradong tuwang-tuwa s’ya kasi nakaisip s’ya ng ipapagawa sa akin.
"Seriously?Nagbibiro ka lang, di ba?" sana nagbibiro lang sya.
"Nah" he chuckled.
BINABASA MO ANG
My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/Pastrybug
Teen FictionVan o Vincent? Hindi malaman ni Alex kung sino sa dalawa ang kanyang pipiliin. Si Van na fiance nya mula nang isilang sya o si Vincent na kanyang master na ubod nang suplado . Si Van na alam nyang mahal sya o si Vincent na itinitibok nga ng ...