Twenty Six

167K 2.3K 76
                                    

'·.¸¸.·''¯'··._.· Twenty Six '·.¸¸.·''¯'·_.·

Day 4(Doon sa mga nakabasa ng previous updates alam nyo na kung ano ang day na ito)

Sam POV

I'm here in my bestfriend Alex room.

Nakatalukbong sya ng kumot at pinipilit ko syang ipakita sa akin ang kanyang mukha.

"Best , kausapin mo na man ako " sabi ko sa kanya. Kanina pa ako salita ng salita dito.

Sya nakatalukbong lang at rinig na rinig ko ang mahina nyang paghikbi. Yes umiiyak sya. Tinawagan ako ng mommy nya na pumunta daw ako sa house nila kasi itong si Best mula daw nang magising ay nag-eemote na. Iyak daw ng iyak at ayaw tumigil. Rinding - rindi na daw sila sa palahaw ni Best. Para kasi syang kinakatay na baboy pag umiiyak.

Hindi sya mapatahan ng kanyang parents at ni Xander. So tinawagan ako ni Tita para patigilin na ang kanilang dalaga.

"Best paghindi ka tumigil bubuhusan kita ng malamig na tubig" pananakot ko sa kanya. Grabee! sya mag-emote two hours na. Balde-balde na halos ang iniluha nya.

"Alam mo bang madedehydrate ka na nyan sa ginagawa mo. Ang dami nang liquid ang lumabas sa katawan mo then hindi ka pa kumakain at umiinom ng kahit ano.Tigil na pls." sabi ko pa sa kanya.

Hikbi pa rin ang naririnig ko.

Wala na akong choice kundi.....

SPLASH! Tunog yan ng tubig na ibinuhos ko sa kanya.

"Ang mean mo!" sigaw nya at ibinato ang basang kumot sa lapag.

"Ha!ha!ha!ha!" tawa ko "Grabee! ka naman kasing mag-emote eh. Binubulabog mo ang buo nyong bahay. Pati si Inday hindi daw makapagconcentrate sa panoood nya ng paborito nyang palabas sa tanghali. Ang lakas ng iyak mo. Pwede naman kasing umiyak ng lihim bakit kailangan pang ibroadcast? Akala mo ba lahat sila gustong marinig ang pag-eemote mo? Anong pag-iinarte yan ha? " nakataas ang kilay at nakapamaywang na sabi ko.

Nakatunganga naman sya sa akin. Nakaupo na sya at nakasandal sa headboard ng kama. Grabee! Ang pangit nya. Mukha syang racoon. Sabog-sabog pa ang kanyang buhok.

Tsk!Tsk! nagagawa nga naman ng pag-ibig sa tao. Mali pala . Nagagawa nga naman ng mga taong umiibig na hindi nag-uusap ng maayos.. Pumapangit. Ha!Ha!Ha!

"Anong titingin-tingin mo dyan? " she snapped.

"Ha!Ha!Ha! Ang pangit mo kasi. " tawa ko uli.

Binato nya ako ng Doraemon stuff toy. Sapol ako sa mukha ko.

"Aray naman Best!" sabi ko. Ang sakit kahit stuff toy ang tumama sa akin. "Ano ba iyang iniiyak-iyak mo?" curious na tanong ko. Sila Tita din kasi hindi alam ang dahilan ng pag-iyak ni Best.

"Si Vincent" sagot nya .

"O ano naman si Vincent?"

"Kasi hindi nya ako pinansin kagabi at kasama nya pa ang fiancee nya" maluha-luhang sagot nya.

"Tsk!Tsk! Sus si Vincent lang pala iyang dahilan ng iniiyak-iyak mo. Akala mo namatayan ka na" na ka smirk na sabi ko.

Hay! Kung alam mo lang Best na si Vincent pa ang naghatid sa iyon. Nagpakahirap pa syang dalhin ka sa kuwarto mo at ihiga sa iyong kama. Then pinunasan ka pa ng maligamgam na tubig sa facetowel. Binantayan ka pa hanggang six am. Hindi nga ata sya natulog. Tapos sinukahan mo pa ang kanyang mamahaling sportscar at damit. Buti na lang may extra syang damit sa sasakyan nya. Nakiligo pa nga sya sa banyo mo. Sabi ko sa sarili ko kasi hindi ko pwereng sabihin sa kanya . Nagpromise kasi ako kay Caden my loves.

My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/PastrybugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon