Sorry sa matagal na paghihintay sa update na ito.
Pasensya rin kasi ito lang ang nakayanan ng utak ko.
Sana masiyahan kayo dito.
Salamat sa paglalaan ng oras nyo para basahin ito.
Ito ay para sa mga walang sawang mga sumusuporta sa mga kabaliwan ko.
Thank you guys!
Extra Five: Tiwala
ALEX POV
" Wifey let's go" tawag sa akin ni Vincent . Nasa baba na sya at ako nandito pa rin sa kwarto inaayos ang napakagulo kong mga gamit sa loob ng aking Hermes bag. Pupunta kami sa Tagaytay para tingnan ang progress sa mga ipinagagawang facilities sa hotel. Ipinasok ko ang iPad mini 2 sa loob ng bag. Lagi ko iyong dala dahil may app doon para sa mga ebooks. Mahilig akong mag basa ng mga novels at convenient para sa akin ang ebooks. Para akong may mini library sa gadget na iyon. Pag busy si Vincent sa mga paperworks sa office nya sinasabayan ko naman ng pagbabasa. Sembreak pa rin naman kaya parelax-relax lang ang peg ko.
Nang masiguro ko na nailagay at naayos ko na ang lahat sa loob ng aking bag ay nagmamadali na akong lumabas ng kwarto at bumaba.
Nasa taas ako ng hagdan at kitang-kita ko na nakaupo si Vincent sa sofa at busy syang naglalaro ng Zombie Tsunami sa kanyang iPhone. Dahan-dahan akong bumaba . Sinigurado kong wala syang maririnig na yabag. Buti na lang carpeted ang buong sala . Nagtago ako sa likod ng sofa . Dahan-dahan kong kinuha ang salamin at red na lipstick sa bag ko. Ginulo ko ang buhok ko na hanggang baywang na ang haba. Naglagay ako ng maraming polbo sa mukha ko at nagpahid ng kalat-kalat na lipstick. Hahahaha! tawa ko sa isip ko. Sinipat ko ang itsura ko sa salamin. Okay na ! Mukha na akong duguang white lady. Nakasuot ako ng puting maxi dress kaya white lady ang peg ko. Lumohod ako paharap sa nakatalikod na si hubby. Maingat na pinagapang ko ang aking kamay na may bloody red na nailpolish sa kanyang balikat. Kahit na natatawa ako ay ginawa kong blangko ang aking expression sa mukha.
Gulat na napatingin si hubby sa kamay ko at nabibiglang napalingon sa akin.
"WTF!" Nanlalaki ang mga matang sigaw nya pagkakita sa mukha kong may kalat-kalat na lipstick. Nabitiwan nya rin ang kanyang iPhone.
"Bwahahahahhahaha!" tawa ko . Yehey! Successful ang pananakot ko. Sayang sana nandito si Sam para may nagpicture o kaya nagvideo sa reaksyon ni Vincent. Ang sama ng mukha ni Vincent habang tumatawa ako ng wagas.
" Alexandra! " Galit na sabi nya. Yes galit sya kasi binanggit nya ang buong pangalan ko at may diin ang pagkakabigkas nya.
BINABASA MO ANG
My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/Pastrybug
Teen FictionVan o Vincent? Hindi malaman ni Alex kung sino sa dalawa ang kanyang pipiliin. Si Van na fiance nya mula nang isilang sya o si Vincent na kanyang master na ubod nang suplado . Si Van na alam nyang mahal sya o si Vincent na itinitibok nga ng ...