Twenty Nine

144K 2.1K 43
                                    

•·.·'¯'·.·• •·.·'¯'·.·• Twenty Nine •·.·'¯'·.·••·.·'¯'·.·•

Day 6

Alex POV

So many things to do today. Today I'm gonna be so busy. Marami akong kakausaping mga tao. Kagabi pa lang inumpisahan ko na kina Mommy at Daddy.

Vincent POV

Medyo masakit ang ulo ko nang magising ako.

Nakailang bote kaya ako ng beer?

Bumangon ako at lumabas ng kwarto ko. Dumeretso ako sa kitchen.

Saturday naman ngayon, walang pasok at wala akong maisip na gagawin.

Binuksan ko ang ref. , may beer in can. Kinuha ko at inumpisahang inumin.

Hindi parin ako makagetover sa nangyari kahapon.

Nag-aalala pa rin ako na baka nakahanap na nga ng iba si Xandra.

Inlove nga ba sya ? Kanino kaya? Pero nagkiss na kami. Isa pa wala naman akong nakikitang kasama nya na ibang lalaki maliban sa minsang kausap nya si Ken.

Ang Ken na unggoy na iyon. Sabi na nga ba dapat hindi ko hinahayaan na may makaagaw kay Xandra eh.

Marami talagang magnanakaw sa mundong ito. Hindi lang bagay ang ninanakaw pati tao.

Napahigpit ang hawak ko sa lata ng beer.

Naging pabaya ba ako?

Pinakita ko naman kay Xandra na mahalaga sya sa akin , in my way nga lang.

Pinakadrastic move nga na hinalikan ko sya.

Nakakahiya mang aminin pero kinilig ako sa date namin.

Kahit makakasira sa badboy image ko , nagpakasweet ako sa kanya.

Kasi nga lahat gagawin ko kahit hindi bagay sa image ko.

Balewala ang image kung wala sya.

Ano yung mga iyon? Bale wala lang ba sa kanya?

Mali ba ako sa naging paraan ko?

Tama ba si Aria na dapat nagpakilala na lang ako sa kanya .

'Yung biglain sya .

Na bigla na lang ako darating sa buhay nya at sabihing ako ang fiance nya.

Dapat ba ganoon na lang?

Pakiramdam ko na lalong sumakit ang ulo ko.

Naupo ako sa couch na nasa sala.

Napansin ko na malinis ang sala ko.

Nagtaka ako kasi alam ko na pagkatapos mag-inuman namin ay laging makalat.

Nagbago na ba ang mga kaibigan ko?

Natuto na ba silang maglinis ng kalat ngayon?

Sumandal ako at ipinikit ko ang aking mga mata.

Imahe ng magandang mukha ni Xandra ang nakikita ko.

Teka! Bigla akong napamulat.

Nagpunta ba si Xandra dito kagabi?

Bakit may malabo akong naaalala na nandito sya kagabi.

Sinigawan nya daw ako at binatukan pa.

Inutusan nya rin daw akong matulog.

Inilabas ko ang iphone ko sa bulsa ko.

Tinawagan ko si Matheo.

After ng limang ring hindi nya parin sinasagot.

My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/PastrybugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon