Twenty Eight

154K 2.4K 53
                                    

'*•.¸(*•.¸♥¸.•*')¸.•*'Twenty Eight '*•.¸(*•.¸♥¸.•*')¸.•*'

Alex POV

I'm here in my room reading an Abbi Glines Novel Forever Too Far. I really love Rush, his too sweet and responsible. Parelax-relax lang ang peg ko ngayon.

Pumasok ako kaninang umaga at absent si Vincent. Medyo namiss to sya kaya lang buti na rin iyon . Naging normal ang tibok ng puso ko buong araw. Pagnakikita ko kasi sya nagwawala ang puso ko. Naging payapa ang buong araw ko. Kaya ngayon nagrerelax naman ako , tama na ang pag-iyak. Sa ibang araw nalang .

♫♪I haven't slept at all in days

It's been so long since we've talked

And I have been here many times

I just don't know what I'm doing wrong ♫♪

Ringtone ng cellphone ko. "What Can I Do " by Corrs.

Kinuha ko ang cellphone ko then I answered it.

"Alex punta ka dito" sabi ni Aria. Sya ang caller ko.

"Bakit?" maikling tanong ko. Nagrerelax ako then papapuntahin nya ako kung nasaan sya. Bakit kaya?

"Kasi si Vincent lasing na lasing eh. Malaki ata ang problem nya" sabi nya. Medyo maingay nga sa background nya. Lasing si Vincent? Bakit kaya? Ano kaya ang nangyari sa kanya? Ang daming tanong sa isip ko. Nakaramdam din ako ng pag-aalala.

"Bakit anong nangyari?" nag-aalalang tanong ko pa.

"Basta! Punta ka na lang dito."

"Saan ba iyan?" ayaw ko sanang pumunta kaya lang nangibabaw ang pagkatsismosa sa dugo ko. Gusto kong malaman kung ano ang problema nya. Gusto ko syang tulungan. Afterall mahal ko iyong tao.

"Dito sa condo nya" sagot nya. "Bilisan mo ha" bilin nya pa.

"Sanda----" hindi nya na pinatapos ang sasabihin ko nawala na sya sa linya. Ako naman wala nang nagawa , nagpalit ako ng short at t-shirt. Bukas na lang ako magrerelax. Saturday naman bukas walang pasok.

Pagkatapos kong magpaalam kina Mommy at Daddy. Pinuntahan ko si Sam.

Nagdoorbell ako. Lumabas ang kanyang yaya na si Manang Lydia.

"Good evening Manang . Si Sam po?" tanong ko kay Manang.

"Naku magandang gabi rin sa iyo Alex. Pasok ka" aniya. Mabait talaga itong yaya ni Sam. Lagi nya kaming binibigyan ng candy noong mga bata pa kami.

" Dito ko na lang po aantayin si Sam" magalang na sabi ko.

"Ganoon ba. Sige tatawagin ko lang sya." Pumasok sya sa loob ng bahay.

Maya-maya lumabas si Sam.

"Bakit ayaw mong pumasok?" tanong nya sa akin.

"Kasi may pupuntahan ako at kailangan ko ng masasakyan eh" nahihiyang sabi ko sa kanya. Di ba wala nga akong motor. Kaya naisip ko si Sam. Magpapahatid ako sa kanya.

Napasimangot sya. "Kaya ka pala nandito kasi gagawin mo lang akong driver." Palatak nya.

"Sige na Bestfriend" pakiusap ko sa kanya.

"Saan ang punta natin?"

"Sa condo ni Vincent."

Nanlaki ang kanyang mga mata" Bakit?" nagtatakang tanong nya. Hindi sya makapaniwala na pupuntahan namin si Vincent kasi nga sinabi ko sa kanya na iiwasan ko na si Vincent. Kaya nagtataka sya na pupuntahan namin si Vincent.

My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/PastrybugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon