Extra Eight: VAN hindi excited maging daddy?
After 3 years
Caden POINT OF VIEW
Hindi ako makapaniwalang tatlong taon na ang matulin na lumipas simula nang umalis ako ng Pilipinas at iwan ang mga mahahalagang tao sa aking buhay. Isa -isa kong pinagmasdan ang mga taong iyon. Si Matheo na mariing nakatitig sa bokalista ng bandang kasalukuyang tumotogtog sa stage. Hindi ko mawari kung may galit ba s'ya o may gusto s'ya sa maganda at seksing bokalista na nakasuot ng isang black tight fitting jeans at patriangle na itim ding tube top . Malaanghel ang boses ng babaeng kumakanta ng acoustic version ng Wrecking ball . Naniningkit kasi ang mga mata ni Matheo sa pagkakatitig habang hawak nya ang baso ng kanyang iniinom na whisky. Si Tommy busy sa pagkalikot sa kanyang cellphone. Sa palagay ko naglalaro lang s'ya ng Fluffy Birds. Basta mga larong may kinalaman sa mga birds ay kinahuhumalingan n'ya. Si Ian papak nang papak ng pulutan na sisig. The best nga pala ang lasa ng sisig dito sa bar nila Math. At ang pinakaleader namin na si Vincent ito nakasimangot na naman. Halatang walang balak uminom dahil 'yung isang boteng beer na kanikanina pa n'ya hawak ay nangangalahati pa lang. Namiss ko ang mga mokong na ito. Kahit madalas naman na nagkakatawagan kami at magSKYPE ay iba parin pagkasama ko sila. Kung hindi lang importante ang dahilan ng pag-alis ko sa bansa ay hindi ko sila iiwan. Parang magkakadikit na ang mga pusod naming lima.
Kanina lang ako dumating mula sa ibang bansa at nang malaman ng mga mokong na ito ay nag-aya kaagad sila na magkita-kita kami dito sa bar nina Matheo. Hindi man lamang nila naiisip na pagod ako sa mahabang byahe. Masyado silang excited na makita ang pogi kong pagmumukha. Buti nalang Linggo bukas, makakapagpahinga ako . Dahil sa Lunes ay uumpisahan ko nang hahawakan ang isa sa mga negosyo ng pamilya.
Isa ako sa mga pumalakpak nang matapos tumogtog ang banda. Nagpasalamat ang bokalista at bago ito makababa ng stage ay may isang lalaki ang lumapit dito na nagbigay ng mga roses. Masayang tinanggap naman iyon ng babae.
"WTF!" mahinang wika ni Matheo , nagtatakang tumingin ako sa kanya. Kung leeg lang ng isang tao ang hawak n'yang baso ay paniguradong hindi na makahinga iyon sa higpit ng pagkakahawak n'ya. May nasesense akong masamang aura mula kay Matheo. Sigurado akong ang dahilan ng masamang aura n'ya ay ang eksenang may nag-abot ng bulaklak sa magandang bokalista. May naamoy akong love story dito kay Matheo pero alam kong impossible iyon sapagkat bawal magkaroon ng karelasyon ang mga empleyado dito sa kapwa nila empleyado at hindi exempted sa rules si Matheo doon kahit s'ya pa ang anak ng may-ari. Gusto ko sana s'yang asarin pero 'wag na lang . Baka sa poging mukha ko pa humagis ang hawak n'yang baso.
"Hmp! Ang pangit naman ng pagkakaarranged ng mga bulaklak na binigay noong lalaki. Sayang cute pa naman s'ya , ang chaka naman ng mga bulaklak . Halatang mumurahin. Ang flowers malapit nang matuyot ang mga petals. Eeew! Dapat sa shop ko na lang s'ya bumili. Mura na pero pangfirst class ang dating. Fresh na fresh" umiiling na sabi ni Tommy. Sa narinig kong sinabi n'ya ay halos maibuga ko ang beer na nasa loob ng aking bibig. Mukhang natuluyan nang maging bading itong si Tommy. Ewan ko ba naman kay Tita kung bakit dito pa kay Tommy pinamahala ang chain of flowershops nila kaya sa palagay ko isa iyon sa mga dahilan para tuluyan nang bumigay itong si Tommy.
BINABASA MO ANG
My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/Pastrybug
Teen FictionVan o Vincent? Hindi malaman ni Alex kung sino sa dalawa ang kanyang pipiliin. Si Van na fiance nya mula nang isilang sya o si Vincent na kanyang master na ubod nang suplado . Si Van na alam nyang mahal sya o si Vincent na itinitibok nga ng ...