Thirty Nine
Alex POV
After ng big revelation ni Vincent/ VAN ay nagmamadali na akong umalis sa debut party ko. Ayaw ko sanang gawin iyon sa kanya pero syempre iyon na ang nabuong plano. Aaminin ko na nasaktan ako ng bongang-bongang noong hindi sinasadyang natuklasan ko na sya pala ang matagal ko nang gustong makilalang fiance. Alam mo iyong pakiramdam na pinagkaisahan ka ng lahat ng taong involve? In other words niloko ako nilang lahat. Noong una nagalit at nasaktan ako pero natural lang iyon kasi nasa harapan ko na pala ang taong sa buong buhay ko ay gusto kong makilala tapos itinatago nila sa akin. Pero nang makapag-isip isip ako at nagawa ko ang mga kalokohan ko kay Vincent ay nawala na lang bigla ang galit ko. 'Yun nga lang kailangan na iparamdam ko sa kanya ang kunting sakit . Kunti lang naman kasi hindi ko naman papatagalin. Hindi kagaya ng paghihirap ko noong mga panahon na naguguluhan ako sa nararamdaman ko na naiinlove na ako kay Vincent at the same time ay may fiance na ako. Hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko pero nangingibabaw ang nararamdaman ko kay Vincent. Nandoon na nga na umayaw ako sa engagement namin. Gulong-gulo ako at that time pero kung itatanong sa akin kung sino ang pipiliin ko syempre laging si Vincent. 'Yung Vincent na masungit, laging tulog , nakakainis pero napaka sweet at lagi akong pinagbibigyan. Nakakainis sya! Kasi pinatagal nya pa na magpakilala sa akin. Alam ko na nasasaktan din sya kasi nagtatago sya ng sekreto sa akin. Ramdam ko na ayaw nya rin naman na itago ang totoo . Nakakabaliw sya ! Ang arte nya, gusto nya nasa legal age na ako bago nya ipakilala ang sarili nya bilang fiance ko.
So kinausap ko silang lahat at sinabi ko sa kanila ang plano ko. Buti naman at pumayag at nakicooperate sila , mga guilty kasi sila sa pagtatago sa akin ng totoo. Naipaintindi ko rin sa kanila ang naramdaman kong sakit sa ginawa nila sa akin. Pero syempre kailangang bigyan ng leksyon ang pinaka mastermind , si VAN.
Ayaw ko na sanang gawin ang plano kaya lang masisira naman ang surprise ko sa kanya. Alam ko na magugulat sya kasi after graduation pa naman sana ang wedding pero masisisi nyo ba ako eh mahal ko nga sya at ayaw ko na ng marami pang paligoyligoy. Dyusko naman eighteen years na syang nagtago sa akin kaya ngayon wala na syang kawala. Hindi ako tanga para pakawalan pa ang nag-iisang lalaking nagmamahal sa akin no at kayang sakyan ang mga kalokohan ko. Bonus na lang na super hunk sya. He!He!He! Alam ko ang swerte - swerte ko sa kanya.
"Hmp! Kainis ka Best!" nakasimangot na sabi ni Sam pagkatapos nyang umupo dito sa tabi ko. Nakasakay na kami sa kotse ni Xander. Kaming apat nina Aria ang magkakasamang magbyabyaheng papunta sa hotel ni Vincent na nasa Tagaytay. Doon gaganapin ang surprise wedding .
"Bakit naman?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.
"Eh kasi naman eh , dapat saka kana nagwalk out pagkatapos kainin ang cake!" asar na sagot nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/7996299-288-k933272.jpg)
BINABASA MO ANG
My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/Pastrybug
Teen FictionVan o Vincent? Hindi malaman ni Alex kung sino sa dalawa ang kanyang pipiliin. Si Van na fiance nya mula nang isilang sya o si Vincent na kanyang master na ubod nang suplado . Si Van na alam nyang mahal sya o si Vincent na itinitibok nga ng ...