Extra Four: Average Girl
ALEX's POV
Kumatok ako sa pintuan ng office ni Vincent dito sa hotel. Seven days na kaming naririto, kailangan nya kasing asekasuhin ng personal ang mga pinapagawang bagong facilities sa hotel. Masaya ako kasi may naging ambag ako sa mga bagong ipinapagawa, karamihan doon ay ako ang nagdesign kaya nga super excited akong makita ang kalalabasan non dahil iyon ang first project ko na makikita ko na buong-buo at nakatayo.
Nakangiting pumasok ako. " Honey mag lunch na tayo sa restaurant malapit sa batis" bungad na yaya ko sa kanya. Pinayagan nya akong mamasyal kaninang umaga kasama sina Sam. Nandito rin kasi ang buong barkada . Sembreak naman kaya free kaming lahat na magrelax pero si hubby trabaho parin ang inaatupag. Kung saan-saan lang kami nagpunta at bumalik na dito sa hotel para makasama si hubby na mag lunch. Isa pa hindi rin ako makakakain ng maayos kung wala rin lang si Vincent sa tabi ko. Minsan nga naiinis na sa akin si Sam kasi masyado daw akong baliw kay Vincent, konting galaw daw gusto ko kasama sya. Para daw kaming magnet laging magkasama. Hindi ko na lang sya pinapansin pagnagrereklamo kasi totoo naman ang mga sinasabi nya. Eh sa iyon ang gusto ko hindi ako mapalagay pag hindi ko sya nakikita. Pansin ko rin sa sarili ko na naggiging possessive na ako . Hindi ko alam kung nakakasama na ba iyon o nakakabuti ? Pero nagmamahal lang naman ako. Sabi nga diba we only live once so gusto ko habang nabubuhay ako kasama ko sya palagi . Isa pa hindi naman nagrereklamo si hubby.
Nag-angat sya ng kanyang ulo mula sa mga documents na binabasa nya. Nakaupo sya sa malaking sofa na nasa gitna ng kanyang malaking office. Ang office nya ay katulad ng isang executive room ng hotel. "Wala man lamang bang kiss dyan?" Nakakunot ang noong hiling nya. "Namiss kita wifey" dagdag pa nya.
" Mag lunch muna tayo kasi gutom na ako" sabi ko tapos kinagat ko ang aking ibabang labi para mapigilan ang kilig na nararamdaman ko sa sinabi nya. Pero automatic na dinala ako ng aking mga paa papunta sa kanya at kumandong . Nakaharap ako sa kanya at kitang- kita ko ang biglang pagngisi nya.
"Kiss ko muna" ngumuso pa sya na parang bata na naghihintay na ibigay ang hinihiling. Ang cute-cute nya . Napaka irresistible nya kaya hinalikan ko sya sa cheek . Sumimangot naman sya at natawa ako ng bahagya. " Ano yun?" inis na tanong nya. Tumingin ako sa kisame na parang nag-iisip..
"Kiss" sagot ko habang nakataas ang isang kilay Nakapulupot na ang kanyang mga braso sa bewang ko. Binago ko ang pwesto ng pagkakaupo ko . Humarap ako sa kanya na halos magkalevel na ang aming mga mukha . Sinadya ko na kunting-kunti na lang magkadikit na ang aming mga labi. Para tuksuhin sya. Ipinulupot ko ang mga binti ko sa bewang nya. Ang mga braso ko ay nakaikot sa leeg niya. Ngayon ko lang narealize na masarap palang umupo sa lap ni hubby ng ganitong pwesto. Komportableng-komportable ako sa pagkakaupo ko. Natrap sya sa mga binti at braso ko. Mali ata ang ginawa ko kasi ako ang natutukso.Gumawa ako ng imaginary note sa aking pilyang isipan na lagi ko nga itong gagawin. Narinig ko na napamura sya ng mahina. Napahagikgik ako kasi mukhang tinatablan na sya sa aking ginawang " inosenteng panunukso".
BINABASA MO ANG
My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/Pastrybug
Teen FictionVan o Vincent? Hindi malaman ni Alex kung sino sa dalawa ang kanyang pipiliin. Si Van na fiance nya mula nang isilang sya o si Vincent na kanyang master na ubod nang suplado . Si Van na alam nyang mahal sya o si Vincent na itinitibok nga ng ...