Extra Nine: Paglilihi
Alex POV
Sobrang nagulat ako nang sabihin sa akin ni Vincent ang good news. Yes good news nga ang pagbubuntis ko. Ilang taon ding hinintay namin na mabuntis ako. Tatlong taong kasal na kami ni Vincent at ngayon nga nagbunga na ang pag-oovertime n'ya. Hahaha! Hindi sa manhid ang aking katawan para hindi makaramdam ng mga signs ng pagbubuntis. Clueless lang talaga ako at normal lang kasi ang aking pakiramdam. Siguro kasi mag -iisang buwan pa lang naman kaya wala pa ang mga signs. Isa pa irregular ang menstruation ko kaya hindi na ako nagtataka kapag hindi ako nagkakaroon. Isa pa nga yatang dahilan ang paggiging irregular ko kaya natagalan bago ako nabuntis.
Kaagad na nagpacheck up kami sa obgynecologist. Grabee ang pagkaexcited ni Vincent na maging daddy . Tinadtad n'ya ng tanong si doktora. Lahat gustong malaman tungkol sa pagbubuntis. Parang siya ang buntis. Tanong ng tanong kung ano ang mga dapat kainin at ang mga bawal. Pati nga kung okay lang mag____ alam n'yo na kung ano iyon ay tinanong din kay doktora. Nakakahiya! Pero gusto n'ya lang naman daw manigurado. After ng questions and answers nila ni Doktora ay pagrereseta na , nakahinga ako ng maluwag nang mabasa ko na dalawa lang ang vitamins na nireseta ni doc. Pero hindi satisfied si Vincent pinadagdagan . Dyusme! Ang dami mga limang gamot. Pagkakita ko pa lang sa mga boteng may mga tabletas ng vitamins ay nasusuka na ako. Ayoko kasing uminom ng gamot . Kahit lasang strawberry pa iyon ay nakakasuka parin kasi nakatatak na sa utak ko na gamot iyon. Pero para sa baby namin gagawin kong magtiis . Lulunukin ko ang mga tabletas na iyon para masigurong healthy si baby.
Saturday morning
Kinapakapa ko ang magkabilang gilid ko pero wala talaga. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata para hanapin ang bagay na gusto kong yakapin. Tumingin ako sa right side ko pero wala. Napadaan ng tingin ko ang wall clock at alas otso na pala ng umaga kaya bahagyang may liwanag nang pumapasok sa glass window na natatabingan ng kurtina para makita ko ang bahagya ang kwarto.. Baka nalaglag lang sa kama kaya tumingin ako sa ibaba ng kama ngunit wala talaga. Bumaling ako sa leftside ko at napangiti ako. Mahimbing na natutulog pa ang aking napakamapagmahal na hubby na si Vincent. Para s'yang baby matulog, ang peaceful n'yang tingnan. Ibinaling ko ang tingin ko sa kabilang side nya at nandoon nga ang hinahanap ko. Ang Doraemon na stuffed toy. Ito ang Doraemon stuffed toy na ibinigay sa akin ni Vincent na nakuha n'ya sa crane machine. Gustong-gusto ko itong niyayakap , ang lambot kasi , pangalawa kay Vincent ito ang paborito kong ihug. Lagi ko iyon nilalagay sa gitna namin ni Vincent pagnatutulog. Hindi naman kalakihan kaya hindi nakakaabala sa pagyakap sa akin ni Vincent habang tulog. Ewan ko ba kung bakit masgustong-gusto kong yakapin ngayon itong stuffed toy , baka dahil sa pagbubuntis ko. Ganoon naman lagi , kapag may kakaibang ginagawa o gustong gawin ang isang buntis laging idinadahilan ang pinagbubuntis.
Pinilit kong abutin ng kanang kamay ko ang stuffed toy pero hindi ko maabot may kalayuan din kasi at medyo malapad ang katawan ni hubby na nakaharang kaya nahihirapan akong abutin. Tinatamad naman akong bumangon para bumaba ng kama at pumunta sa kabilang side. Ah alam ko na! Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa kama at hinakbangan ko si hubby. Ayan ! walang ka hirap-hirap nakuha ko na din si Doraemon. Nahiga ako ulit at niyakap si Doraemon. Huwag naman sanang maging kamukha nito ang magiging anak namin. Tumagilid ako paharap kay Vincent. Niyakap ko s'ya nang mahigpit. Siguro mga twenty minutes pa bago ako babangon. Pagsasawain ko muna ang sarili ko sa pagyakap at pag-amoy kay honey. Ang bango n'ya talaga . Ang sarap sa ilong ng amoy nya. Nakakaadik! amoy baby s'ya. Medyo natawa ako sa pumasok sa isip ko kung bakit sya tinatawag na baby nina mommy siguro ang dahilan ay ang paglalagay n'ya ng baby powder bago matulog. Oo naglalagay s'ya ng baby powder, hindi daw s'ya makatulog mula noong bata pa s'ya paghindi s'ya naglalagay ng baby powder sa buo n'yang katawan. Ang bango-bango n'ya .

BINABASA MO ANG
My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/Pastrybug
Teen FictionVan o Vincent? Hindi malaman ni Alex kung sino sa dalawa ang kanyang pipiliin. Si Van na fiance nya mula nang isilang sya o si Vincent na kanyang master na ubod nang suplado . Si Van na alam nyang mahal sya o si Vincent na itinitibok nga ng ...