Twenty

160K 2.7K 170
                                    

*****Twenty*****

Alex POV

We're sitting here under a narra tree in the University  ground.  Walang klases dahil may biglaang meeting ang mga professors.

Nakakabato . Walang balak pang umuwi itong mga kasama ko kasi alas diyes pa lang ng umaga.

Si Matheo nakahiga sa damo at binibilang ang  mga dahon ng Narra. Paano ko nalaman? Ang lakas lang naman nyang magbilang habang tinuturo ng daliri nya ang bawat dahon na nabibilang nya. Lakas ng trip!

Si Caden ayon  nakikipagpitik bulag kay Sam.  Laging talo si Sam kaya nakasimangot na.  Tawa ng tawa naman si Caden .  Wiling-wili sya sa itsura ni Sam na parang iiyak na.  Para silang mga bata.

Si Ian naman natutulog. Pareho sila ni Matheo na nakahiga kaya lang sya ay nakapikit . Nakaunan sya sa kanyang  kanang braso at nakatakip naman ang kaliwang braso sa kanyang  nakapikit na mga mata.

Si Tommy  walang tigil sa kakatext.    Napapatingin ako sa kanya kasi bigla na lang syang  tatawa na parang nasisiraan na ng bait. Malala na sya.  Siguro 'yung katext nya kapareho nya rin at sa tingin ko kung may kasama ngayon iyon baka pareho kami ng iniisip ng kasama nya.

Pinapanood ko lang sila. Kasi itong  si Vincent busy sa kalalaro sa kanyang iPhone.  Kinalabit ko sya. 

"Why?" kulang sa buhay na tanong nya.

"Vincent  pwedeng magtanong?" seryosong tanong ko sa kanya.

" No. I'm busy" sagot nya.    Nakatuon pa rin ang kanyang mga mata sa nilalaro nyang game.

"Sige na" ungot ko sa kanya. 

"No" ulit nya.

"Nakakainis ka naman eh! "  nakapout na reklamo ko.  "Mas importante ba 'yan kaysa sa akin? Uuwi na nga lang ako!" inis na banta ko sa kanya. Grrr! mas pinagtutuunan nya pa ng pansin ang cellphone nya kaysa sa akin. Inayos ko ang mga gamit ko at naghanda na ako sa pagtayo.

"Okay ! " wala paring ganang pagpayag nya.

"Hindi na . Napipilitan kalang naman eh. Maglaro ka na lang dyan!"

My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/PastrybugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon