Six

177K 3.2K 366
                                    

******Six******

Vincent POV

I'm Vincent Andrew Nahm  ang   anak ng may-ari ng Gnosis University.  Naniniwala ako at sabi ng Mommy ko ay pogi daw ako. Syempre Mommy ko yun kaya naniwala ako na pogi nga ako.  

 Ako lang naman ang magiging master or should I say "sir" ni Xandra  ng  one month.  Xandra ang tawag ko sa kanya paghindi ko s’ya kaharap. Short for Alexandra. One month lang naman , kasi ayaw ko syang masyadong mahirapan.  Although  I'm planning na inisin sya sa loob ng isang buwan kasi gusto ko s’yang makilala ng lubusan at the same time makapasok sa buhay n’ya.  Dahil ako ay may sekreto....

Yes  a secret......

Ako lang naman ang kanyang fiance  na  si VAN!

VAN stands for  Vincent   Andrew     Nahm.

Pero hindi nya pa pwedeng malaman na ako ang fiance nya. Surprise 'yun pag nag eighteen na sya. And  one month na lang at debut n’ya na.  

Gusto ko na kasing mapalapit sa kanya bago pa dumating ang araw na 'yun.

Ang laki kaya nang isinakripisyo ko para mapalapit sa kanya nang hindi nya nalalaman..

  

Graduate na ako pero bumalik uli ako sa pag-aaral para maging kaklase nya lang kasi mahirap na bigla na lang akong papasok sa buhay nya  at akalain nya pa na staker nya ako so nag-isip ako nang plano  na maging classmate na lang nya. Buti na lang ka year nya ang mga kaibigan ko.

 Pero hindi ko alam kung good thing na kasama ko sila . Kanina lang sa cafeteria ang lakas nilang mangtrip.

  

Sekreto nga  pero parang gusto nila akong ibisto .

  

Tuwang-tuwa pa sila nang marinig nila ang version ng kwento ni Xandra. Eh sa totoo naman na cute ako noong  bata pa ako eh. 

Matagal na nilang alam ang kwento  kung paano naging  engaged kami ni Xandra. Mga  bata palang kasi kami ay magkakaibigan na kami kahit masmatanda ako sa kanila ng ilang taon. Kung nagtataka kayo kung bakit magkakakaklase kami kasi yung iba  lumipat na  lang sa course na architecture pero si Matheo ang kaidaran talaga ni Xandra, sya kasi 'yung baby na dinalaw namin noon sa ospital kung saan din ipinanganak si Xandra.

 Aaminin ko  noong bata pa ako ay hindi ko alam 'yung  mga sinasabi ko akala ko kasi kung ano lang salita ang kasal. Pero sabi ni Daddy kapag may sinabi ka daw na isang bagay kailangan pangatawanan iyon.  Kaya wala silang tigil sa kakapaalala sa akin sa ginawa ko .  Panay padala rin ng mommy ni Xandra ng baby picture nito at cute din sya noong baby pa sya. Then boom! isang araw naramdaman ko sa sarili ko na gusto ko na talagang totohanin na maging asawa sya. Kaya kahit hindi pa nya ako nakikita ay nagpapadala na ako sa kanya ng mga gifts. 

  

One way din ang pagbibigay ko sa kanya ng mga gifts  ay para malaman nya na mayroong VAN na magiging asawa nya someday.  Sabihin nang possessive ako pero gusto ko talaga sya .  Hindi pala gusto I'm so inlove with her.   Nakatingin ako sa kanya lagi nang hindi nya alam.

Alam ko na marami akong kaagaw sa kanya kasi maganda ,may pagka boyish pero sexy at mabait sya. Yeah alam ko kung ano ang ugali nya kasi nga all  my life kilalang-kilala ko na sya. Alam ko rin na madali syang maasar kaya aasarin ko sya ng aasarin. Cute nya kaya pagnaaasar .

Buti na lang pinagbigyan ako ng guardian angel ko noong akala ni Xandra na  nasira nya ang cellphone ko.   Nagkaroon tuloy ako ng pagkakataon na lalong makilala at makasama sya  kahit na labag sa kalooban n’ya.   The truth hindi talaga sira 'yun low batt lang kaya hindi gumana nang ion nya. Ha!Ha!Ha! Sobrang saya ko noon kahit hindi halata. 

Aaminin ko na mahal na mahal ko si Xandra  at ito na ang chance na matagal ko nang hinihintay.

My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/PastrybugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon