Sixteen

172K 2.7K 93
                                    

¸¸.•*¨*•♫♪Sixteen¸¸.•*¨*•♫ 

Alex POV

OMG ! Anong ginagawa ng taong 'yan dito? Tanong ko sa sarili ko.

"Alex My loves!"   sigaw ng lalaking palapit sa lamesa namin. 

Akala ko  matatahimik na ako sa University na ito. Pero anong ginagawa dito ni  Ken? Si Ken sya lang naman ang stalker ko. Yes! stalker mula noong highschool.   Nang magcollege ako ay doon din sya sa university na pinasukan ko then ngayon na nagtransfer  ako akala ko maiiwasan ko na sya . Pero bakit nandito sya?

Napatayo ako at tiningnan ko sya ng masama " Anong ginagawa mo dito Ken?" Tanong ko sa kanya.

"My loves syempre para sundan ka" nagniningning pa ang kanyang mata na sinagot ang tanong ko. Parang balewala lang sa kanya na tiningnan ko sya nang masama.

" So napadaan ka lang dito para makita ako?"  Sana napadaan lang nga sya  kasi kung dito sya mag-aaral  paniguradong susundan-sundan na naman nya ako kahit saang sulok ng university at ayaw kong mangyari iyon. Nakakailang para kasi syang aso na sumusunod sa kanyang master.

Nguniti sya ng ubod ng tamis. Yak! nakakatakot  ang ngiti nya. 

"Of course not. Nagtransfer  na ako dito" proud pang sagot nya.

"What? Dito ka na mag-aaral!"  nabibiglang  naibulalas ko.

"Yes my loves!"   masayang sagot nya. Hindi sya apektado sa galit ko. Pero hindi na  ako magtataka doon kasi mula noon pa naman  ay lagi kong pinararamdam sa kanya na inis ako sa mga pagsunod-sunod nya sa akin.  Nag-umpisa iyon nang ipagtanggol ko sya sa mga nangbubully sya kanya.  Feeling hero kasi ako noong highschool gustong-gusto kong isave ang mga naaapi ng mga sigang estudyante at isa nga doon si Ken. Dahil  sa ginawa ko kaya hinangaan nya  daw ako at ngayong nga naging stalker ko na sya. Hindi naman ako natatakot sa kanya kasi harmless naman sya at never pa nya akong sinaktan.

"Wow ang cute naman nya"  rinig kong puri ng isang estudyante  kay Ken. Yes hindi pangit si Ken . Sa totoo nga ay super hunk sya. Kahawig nya si  Liam Hemsworth pero kahit hunk sya hindi ako nagkagusto sa kanya kahit konti.

"Paano mo nalaman na nagtransfer ako dito?" curious na tanong ko .

My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/PastrybugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon