Eight

180K 2.8K 121
                                    

****Eight****

  Alex POV

University Cafeteria

Nandito kami sa  University cafeteria. Katatapos lang ng dalawa naming magkasunod na subject. Dahil magkakakalase kaming  anim  at slave nga ako for one month ni Mr. Nahm ito ako ngayon kasama nila.

Ang apat na pogitas ay  kasalukuyang nagpapacute at kumakain na naman. Parang ang dami nilang  alagang sawa sa tiyan. Ang lakas nilang kumain pero  kahit malakas silang kumain makikita parin sa kanila na maganda parin ang kanilang mga katawan.

Nakakainggit sila kasi kahit  malakas silang kumain hindi man lamang sila tumataba. 

 Si Vincent naman ay  parang walang pakialam sa kanyang paligid kahit pinagtitinginan na  sila ng mga girls. Tahimik lang s’yang nakikinig ng music sa kanyang headphone.

While me seryosong akong naglalaro ng harvest moon sa PSP ko.

Masarap kaya itong laruin nakakarelax. 

Buti nga sa larong Harvest Moon mayaman na ako. Samantalang sa real life nagpapakaalipin ako dito sa lalaking suplado. Kung nagkakatotoo lang sana 'yung mga perang kinikita ko sa larong ito eh di sana nakabayad na ako dito kay Mr. Nahm.

"Best!!!!!!!!!" nagulat ako sa sigaw na iyon.   

Parang pamilyar ang boses pero imposible kasi...

"Best !!!" ulit na tawag.  

I looked around.

OMG! Tama ba ang nakikita ko?

 Kinurap-kurap ko ang aking mata.

Nagmamadaling lumapit sa kinauupuan ko ang sumigaw.

OMG! Totoo nga . Nasa harapan ko ngayon si Sam. 

S’ya talaga ito.   Isang babae na nakasuot ng  pink corset and  pink  peplum skirt  with pink wedges plus pink  shoulder bag.

S’ya na talaga ang reyna ng pink. 

"Best!!!! Namiss kita " sobrang sayang sabi n’ya sa akin.

Tumayo na man ako at lumapit sa kanya. Nasa pagitan kasi ako nina Vincent at Ian.

"Bakit ka nandito?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

  

"Namiss kita eh. Hindi mo sinabi sa akin na lumipat ka na ng university" nakapout na sabi n’ya. Halata sa boses n’ya na nagtatampo sya.

My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/PastrybugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon