┊┊┊☆Twentytwo ☆ ┊┊┊Alex POV
Day 1 na hindi na ako slave ni Vincent.
Kagabi pinag-isipan kong mabuti kung iiwasan ko ba si Vincent o hindi. Because of that K-i-s-s parang ayaw ko nang ituloy ang pagmomove on. Nagkaroon ako ng lakas ng loob. I take my chance. Mamaya sa lunch break kakausapin ko na sya . Aaminin ko sa kanya na mayroon akong nararamdaman sa kanya. Kahit pangit tingnan kasi isa akong babae at ako pa ang magsasabi ng aking nararamdaman sa kanya ay gagawin ko parin. At least masasabi ko sa sarili ko na hindi ako naduwag na magtapat ng aking nararamdaman sa kanya. Wala ng what if na question. And I think I am very much ready to whatever his reaction sa sasabihin ko. Kahit sabihin nya pa na wala syang nararamdaman sa akin. Tatanggapin ko.
Kanina sa classroom ay kay Sam ako tumabi. Nalate na kasi ako at buti hindi nagalit si Prof. Nasa bandang unahan kami at sa likuran naman sya . Kaya kahit gusto kong lingunin sya ay hindi ko ginawa kasi nag-iipon pa ako ng lakas ng loob sa gagawin kong pagsasabi ng aking feelings sa kanya. Buti naglecture lang si Prof. hindi sya nagbigay ng quiz kasi paniguradong mababa ang makukuha kong score dahil hindi ako makapagconcentrate sa itinuturo nya kanina.
Now nandito ako sa ladies room. Nagretouch ako ng make up para magmukha naman akong maganda pagkinausap ko na si Vincent. Nakadress din ako ngayon. I make myself extra beautiful today para kung sakaling negative ang resulta ng gagawin ko ay maganda parin ako.
Hinga ng malalim. Inulit ko ng mga ten times. Okay kaya ko na . Ito na . Ready na ako. Nagspray ako ng pabango at ready na ako.
Tingin sa salamin. "Kaya mo yan Alex" pagbibigay ko ng push sa sarili ko . This is it!
Lumabas na ako at nagtungo sa cafeteria. Nagtext sa akin si Sam kanina at nandoon nga daw sila.
I entered in the cafeteria . I looked for them then there I saw them sitting in our usual table. Nagkwekwentuhan sila . I looked at Vincent at nakatingin din sya sa akin. I gave my most charming smile. Kumaway sya sa akin. Napahinto ako sa paglalakad papunta sa table nila. Why? Kasi tumayo si Vincent at ngumiti sya . Shocks ang gwapo nya talaga. Natulala ako at parang hindi makakilos. Para akong isang fangirl na nakita ang kanyang idol ng harapan. Tipong hindi ako makahinga ng maayos.
"Hi" sabi nya. Nasa harapan ko na pala sya.
This is it! Kakausapin ko na sya. Wala ng atrasan. "Vin---" naputol ang sasabihin ko.
"Casandra" sabi nya. Ha? Anong Casandra? Sinong Casandra na binanggit nya? Tiningnan ko syang maigi. Hindi pala sya nakatingin sa akin kundi sa may likuran ko. I turned around and there a model like na girl. Nakatingin din sya kay Vincent. Having a wide smile in her beautiful face.
BINABASA MO ANG
My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/Pastrybug
JugendliteraturVan o Vincent? Hindi malaman ni Alex kung sino sa dalawa ang kanyang pipiliin. Si Van na fiance nya mula nang isilang sya o si Vincent na kanyang master na ubod nang suplado . Si Van na alam nyang mahal sya o si Vincent na itinitibok nga ng ...