Fourteen

165K 2.4K 75
                                    

✿✿✿Fourteen ✿✿✿

Alex POV

History of Architectural Theory  Class

(◣_◢)---->  me     

Ganyan kasama ang tingin ko sa  aking katabi.

Bakit?  Kasi nagpapakahirap lang naman ako sa pagsusulat ng mga notes na isinulat ng prof. namin sa whiteboard. May quiz daw sa next na meeting at doon sa pinakokopya nya kukunin ang coverage ng quiz.  Nakakalimang pages na ako sa notebook ng katabi kong natutulog. Yes! tulog na naman.  Parang hindi naman interesado sa mga itinuturo ng prof. itong si Vincent kaya nga nagtataka ako kung bakit nag-enrolled pa ito sana natulog na lang sya sa  condo nya.  Minsan nga nakikinig lang  ng music sa headphone nya habang nagtuturo ang prof.  Tapos hindi man lamang sya pinapagalitan kasi sila ang may-ari ng university.

Ang sakit na ng kamay ko . Nagpapakahirap ako ! Hindi naman ako ang makikinabang kasi notebook nya itong sinusulatan ko.  Wala akong notes para magamit na reviewer. Wala pa akong karapatang magreklamo.

Buti na lang last subject na ito ngayong araw. Makakauwi na rin ako. .   

Sinulyapan ko si Vincent.  Infairness ang cute nyang matulog ha.  Teka! Ano nanaman itong naisip ko?  Hindi ako dapat macutetan sa kanya. Sita ko sa sarili ko.  Dapat mainis ako.  Pinahihirapan nya ako. Wala syang awa sa akin.

(╥_╥)----->me   Ang sakit na ng kamay ko sa kasusulat. Bakit ba kasi hindi nalang pinaphotocopy o nagbigay ng softcopy o kaya naman isend sa e-mail? Marami namang way para magkaroon ng reviewer na hindi na pinahihirapan ang mga students. Napaka old school talaga ni Prof.

"Okay  class 'wag n'yong kakalimutan may quiz tayo next meeting.  You may go now"  sabi ni prof. then lumabas na sya.  After nya kaming pahirapan sa pagkopya  nilayasan  nya na kami.  Nagtayuan na ang mga kaklase namin.  Nag-umpisa na silang lumabas ng classroom. Inayos ko na rin ang gamit ko. 

(  ︶ _ ︶  ) zzz ------> Vincent. Tulog parin. Hindi manlamang namalayan na tapos na ang klase.

(。^-^。)---->  me. Alam ko na! Tutal tulog naman si Vincent bakit hindi ko kaya itakas ang notes nya. Tama! itatakas ko kasi ako naman ang nagpakahirap. Ang galing ko talagang mag-isip. He!he!he! 

Dahan-dahan  kong pinasok sa bag ko ang notebook nya at  sabay takbo.

 Blag!  Aray ko! Tumama ang binti ko sa isang upuan . Ang sakit.

My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/PastrybugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon