Seventeen

184K 3.8K 156
                                    

 ❀ ✿ ✶ ✴Seventeen❀ ✿ ✶ ✴

Alex POV

Friday morning

Nagmamadali akong  pinaandar ang motorbike ko. Mag eeight am na at malapit na akong malate. Bakit ba naman kasi  tinanghali ako ng gising? Nagmamadali tuloy ako ngayon. Kasalanan ito ng   alarm clock ko hindi  nag-alarm, naubusan na ata ng charge yung battery. Hay! nakakaasar. Ang aga-aga parang nararamdaman ko na bad day ata.

Tapos kailangan ko pang sunduin si Vincent sa condo nya. Paniguradong magagalit sya kasi madadamay sya sa pagkalate ko.  Bakit ba naman kasing hindi ako nakatulog  ng maaga? Ang dami-dami kong iniisip kagabi.  Ang biglang pagsulpot ni Ken , ang mga ginagawa ni Vincent at last ang nararamdaman ko. Naguguluhan ako. May fiancee na si Vincent pero pakiramdam ko ay unti-unti nang nahuhulog ang loob ko sa kanya. Nakakainis! Bakit ba pinaparamdam nya sa akin ang kasweetan nya? Dapat sa fiancee nya gawin iyon hindi sa akin.  Isa pang problema ko ang fiance ko. Kung patuloy na mahuhulog ang loob ko kay Vincent kailangang sabihin ko sa parents ko na hindi na matutuloy ang  napagplanuhan na kasal. Hindi ko kayang makisama sa isang tao na hindi ko naman kakilala at  ang pinakadahilan ay may mahal na akong iba. Unfair sa kanya iyon at masyadong mahirap para sa akin. Kaya lang ano naman ang mangyayari sa akin ? Si Vincent may fiancee din sya. Nakatakda na rin syang ikasal sa ibang babae at sabi nga ni Caden mahal ni Vincent ang babaeng iyon.

Bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Pero wala akong pinagsisisihan kahit naging slave ako ni Vincent ,sa totoo nga parang hindi naman ako ang slave kasi nag-uutos nga sya sa akin pero halos sya rin ang gumagawa ng mga utos nya.  Sa maliliit na bagay na  ginagawa nya sa akin ay unti-unting nahuhulog ang loob ko sa kanya.

Nakakalito hindi ko alam ang aking gagawin. 

Nakatayo na ako ngayon sa pinto ng condo unit  ni Vincent.  Nagdoorbell ako. Nakakailang pindot na ako sa doorbell  pero hindi parin binubuksan. Baka naman nakaalis na sya. Pero nakita ko sa parking ng condo ang kanyang sports car. Bakit kaya ang tagal nyang buksan? Kinuha ko ang cellphone  ko at tinawagan ko sya. Nakakailang ring na pero hindi parin sya sumasagot. Ano kayang nangyari sa kanya?

Umalis na  lang kaya ako? Almost twenty minutes na ang nakalipas at late na ako.  Aalis na sana ako nang marinig ko  ang tunog ng pintong binuksan. 

Oh my ! Si Vincent half naked. Halos lumuwa ang mata ko. Ang ganda pala ng abs nya. My gosh hindi pa naman ako nagkakapagbreakfast . Parang gusto kong kainin ang kanyang mga pandesal. Pasimple kong pinunasan ang gilid ng aking mga labi. Baka kasi may laway na tumulo.  Ohlalala! Ganda ng katawan.

(◑‿◐)

My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/PastrybugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon