Forty
Vincent POV
Nag-iinit na ang ulo ko. Nakasimangot na ako. Asar na asar na ako. Galit na galit. Halo -halong emosyon pero panay negative.
Idagdag pa ang mga nang-aasar na mukha ng mga kaibigan ko. Masayang - masaya sila habang ako sasabog na sa pagkainis.
Kanina pa ako nakaupo dito , nakatingin kay Xandra. Ang talim na ng tingin ko sa kanya pero parang bale wala sa kanya. Asawa ko ba talaga sya? Sarap sakalin eh.
"Vincent bakit ang sama ng tingin mo sa kakambal ko?" tanong ni Xander sa akin. Umupo sya sa bakanteng upuan sa tabi ko. Medyo malayo sa akin ang apat kong kaibigan kasi may kasalanan pa sila sa akin. Iniiwasan nilang tanungin ko sila pero kung makapang-asar sila wagas.
Bumugtong hininga lang ako.
"Lalim ah. Bakit parang pinagbagsakan ka ng langit ?" tanong nya. Ngingiti -ngiti pa sya kaya lalo akong nainis.
Tumingin sya kay Xandra na masayang sumasayaw kasama sina Sam at Aria.
"Parang-alam ko na ang problema mo" he chuckled at tinawag si Aria.
Lumapit naman agad si Aria. " Why Buko Shake?" humihingal na tanong nya kay Xander.
" Pahintuin mo na si Alex sa pagsayaw. Naiinip na si brother-in law" sabi nya kay Aria tapos sumulyap sa akin. Nagtatakang tumingin naman si Aria sa akin. Tapos nagkatinginan sila at sabay na tumawa.
Lalo ako sumimangot.
Sige tawa lang.
"Vincent " masayang wika ni Xandra . Humihingal na umupo naman sya sa bakanteng upuan sa kabilang side ko.
Tiningnan ko sya ng mariing.

BINABASA MO ANG
My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/Pastrybug
Teen FictionVan o Vincent? Hindi malaman ni Alex kung sino sa dalawa ang kanyang pipiliin. Si Van na fiance nya mula nang isilang sya o si Vincent na kanyang master na ubod nang suplado . Si Van na alam nyang mahal sya o si Vincent na itinitibok nga ng ...