****Nineteen****
Alex POV
It's been 7 days ang lumipas. Seven days na naconfine si Vincent sa hospital at ngayon nga ay he's strong as a bull na naman. Sa loob ng seven days ay binantayan ko sya. Syempre nagpaalam naman ako sa parent's ko at sa aking pagtataka ay pumayag silang bantayan ko si Vincent kahit hindi pa nila kilala ito. Siguro malaki lang ang tiwala nila sa akin.
Inaamin ko sa mga panahon na nasa ospital sya may namumuong takot ako na baka bigla na lang dumalaw doon ang kanyang fiancee. Takot ? Yes takot . Takot na masaktan ako pagnakita ko silang magkasama at makitang sweet sa isa't isa. Pero salamat kay God kasi walang fiancee na dumalaw at isa iyong malaking katanungan sa aking isipan. Hindi ba gusto ng fiancee ni Vincent si Vincent? Is it one sided love? Si Vincent lang ba ang nagmamahal? But also it came to my mind --bakit hindi naman nagpakita ng pagkalungkot si Vincent during those times. And also hindi sya nagtanong kahit kaninuman kung bakit hindi bumibisita ang fiancee nya eh diba nga sa University din nila Vincent sya nag-aaral? Wala ba syang pakialam kay Vincent or hindi nya lang alam na may sakit ito?
I noticed Vincent during his sickness ay parang naging masaya pa sya. Hindi makikitaan ng pagkayamot sya kahit na maraming gamot ang iniinjection sa kanyang IV. Lagi syang nakangiti. Or it was just his front para hindi mapansin na malungkot sya because wala ang kanyang pinakamamahal na fiancee. Hay kung sana ako na lang kasi iyon.
I can say it's my luck naman kasi nakasama ko si Vincent at sa kahit maiksing panahon ay naipakita ko sa kanya ang 1/4 ng pagmamahal ko. 1/4 lang kasi hindi ko pwedeng ipakita sa kanya ng 100 percent ang pagmamahal na pwede kong iparamdam sa kanya kasi masyadong komplekado ang kalagayan namin. We're in the same situation having a fiance/fiancee na hindi naman namin makasama. Atleast sya mahal nya eh ako hindi ko man lamang kilala.
Masisisi ba ako ni Van kung nahulog ang loob ko kay Vincent? Alam kong mali pero pwede bang pigilan ang nararamdaman?
Sumasakit na ang ulo ko sa situation ko. Balak ko nang tumanggi sa pagkakaroon ng mapapangasawa. Ilang araw ko na rin itong pinag-iisipan. Inaamin ko na isa rin si Vincent sa dahilan kung bakit pinag-iisipan ko na na huwag nang pumayag na magpakasal. Pero ayaw ko naman na magpakasal sa isang tao na hindi ko naman kilala at hindi ko mahal.
Napabugtong hininga ako.
"Hey Best! Why the long face?" tanong sa akin ni Sam. Kasalukuyang nakaupo kami ngayon sa may Botanical Garden. Kaming dalawa lang kasi tinakasan namin ang mga pogitas. Gusto kong makasama muna si Sam pero ang totoo gusto ko munang iwasan si Vincent.
"Ha?" tanong ko kay Sam . Ginalaw -galaw nya ang kanyang right hand sa mukha ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Tsk!Tsk! Malala ka na Best! Kasama mo ako pero wala dito ang isip mo. Ano ba ang nangyayari sa iyo? Parang tulala ka girl" nagtatakang tanong nya sa akin.
BINABASA MO ANG
My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/Pastrybug
Teen FictionVan o Vincent? Hindi malaman ni Alex kung sino sa dalawa ang kanyang pipiliin. Si Van na fiance nya mula nang isilang sya o si Vincent na kanyang master na ubod nang suplado . Si Van na alam nyang mahal sya o si Vincent na itinitibok nga ng ...