Extra Three:Ang Parusa
ALEX POV
"Wifey wake up" gising sa akin ni Vincent. Naramdaman ko na tinapik-tapik nya ng kanyang palad ang pisngi ko.
Idinilat ko ang aking mga mata at tinitigan ang gwapo nyang mukha. Nakahiga pa rin naman sya sa tabi ko. Nakaharap sya sa akin. Medyo magulo ang itim na itim na may kahabaan nyang buhok. "Bakit nanggigising ka na?" tanong ko.
"Wifey di ba may pupuntahan tayo ngayon?" medyo paos pa ang boses nya. Tingin ko kung may ibang pagpipilian hindi pa rin sya babangon. Saturday kasi at wala kaming klase. Dapat pahinga namin ang Saturday at Sunday kaya lang...
"Oo nga pala" patamad na sabi ko. Ayaw ko pa sanang bumangon. Napuyat kasi ako kagabi dahil nagreview pa ako. Malapit na ang exam kaya medyo nagbabasa-basa na rin ako . Sya naman busy sa laptop nya. May mga files syang pinag-aaralan na may kinalaman sa mga business na pagmamay-ari nya. Sabay kaming natulog , mga past twelve na iyon.
Humikab sya. "Inaantok pa ako wifey.Pwede bang ipagpaliban na lang natin ang pupuntahan natin ngayon?"
" Hindi pwede ! Mahirap ang kapalit paghindi tayo pumunta para gawin ang dapat gawin." Protesta ko . Sinamaan ko pa sya ng tingin.
"Yeah. Mahirap nga ang kapalit at hindi ko kaya iyon" naglulundag ang puso ko sa sinabi nya. Pareho pala kami ng nararamdaman. "Kaya dapat bumangon na tayo" sabi nya tapos kiniliti ako sa bewang.
Ha!Ha!Ha!Ha! maraming tawa ko. Tuluyan na akong nagising sa ginawa nya. "Oo na babangon na ako" tumatawa pang sabi ko. " Maliligo na ako" ninakawan ko sya ng mabilis na halik at nagmamadali na akong tumayo tapos tumakbo na akong papuntang banyo.
"Wifey sabay tayo!" narinig kong sigaw nya. Nag-init ang mga pisngi ko pagkarinig sa sinabi nya. Nahihiya parin ako sa ganoong topic.
"Hindi pwede!" sigaw ko rin at nilock ko ang pinto ng banyo . Baka totohanin nya pa eh.
"Sabi ko sabay tayong maligo pero sa bathroom sa baba ako maliligo. Ikaw ang greenminded mo!" humahalakhak na sigaw naman nya. Narinig ko ang mga yabag ng paa nya , binuksan ang pinto ng kwarto hanggang sa makalabas na sya.
BINABASA MO ANG
My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/Pastrybug
Teen FictionVan o Vincent? Hindi malaman ni Alex kung sino sa dalawa ang kanyang pipiliin. Si Van na fiance nya mula nang isilang sya o si Vincent na kanyang master na ubod nang suplado . Si Van na alam nyang mahal sya o si Vincent na itinitibok nga ng ...